Chapter 6 - Chuchu Friends

453 13 0
                                    

*********Chapter 6 - Chuchu Friends**********


[ NOTE: Partially Edited ]


Umalis na ng tuluyan yung lalaking halimaw. Hanep kung manakot si kuya, epektib! Feeling ko talaga i-totorture niya rin ako balang araw gaya nung pagtorture ko dun sa oh-so-mamahaling-motorcycle daw niya! Gosh?! That's ridiculous!
Napapalitan yung motorsiklo! Yung buhay. hindi!

Nagulat ako nang bumukas ng malakas yung pintuan. Akala ko si salbahing kuya na naman yung pumasok, yung mga kaklase ko palang nagpakilala sa akin kanina. Pwera nalang yung lalaking nag-ngangalang Ven ba yun? Akala ko nga magigiba na yung pinto eh. Buti maganda ang facility ng classroom nato, kundi nawasak na yung pintuan.

"Gosh baby girl! Are you okay?! Di ka ba sinaktan nung damuho?! Mamamatay ka na ba?! Call the ambulance!!" OA na tanong ni Chinchin habang tinitignan ang braso ko kung may galos ba.

"Gaganess! *batok kay Chinchin* ang OA mo bakla ha? Tumabi ka nga diyan!" sabay tulak kay Chinchin. Umismid naman si Chinchin.

"I'm just asking lang naman eh if okay lang ang baby girl natin, hmp! *flip ng bangs*" maarteng sabi ni Chinchin. Baby girl? Sino ba yun? Ako?

"Okay ka lang ba? Wala ba talaga siyang ginawa sayo?" tanong ni magandang host, este Shane.
Wow, ang ganda niya talaga.

"A-ah, wala naman siyang ginawa sa akin. Hindi naman niya ako sinaktan." sagot ko.
Matapos kong sabihin iyon ay sabay-sabay silang napahinga ng malalim.

"Hoo! Akala ko pa naman kung ano nang nangyari sayo kanina." wika ni Sharm.

"Yeah, baby girl. We're so worried talaga sayo kanina while we're still sa labas. Pagpasenyahan mo na yung Silver na yun ha? Ganun na talaga yung papa na yun. He's so scary talaga when you make him galit or when he simply hates you na talaga." ang conyo naman nitong si Chinchin. Ano raw pangalan ni kuya?

"Anong pangalan nun?" tanong ko.

"Silver," sagot ni Francheska sa tanong ko.

"Pilak?" tanong ko sa kanila.

"What's pilak?" naguguluhang tanong ni Chinchin.
Sinamaan siya ng tingin ni Francheska.

"Gaga! Pilak means Silver. Ano bang natutunan mo sa chemistry ha?" sagot ni Shane sa kanya.

"Sorry ha?! I just forgot lang naman eh. Tsaka imported kasi ako! Kaya i don't know such tagalog words like that. Hmp! Mga echuserang frog,"
ani Chinchin habang inaayos yung bangs niya.

"Teka, so kung hindi ka niya sinaktan. Anong ginawa niyo kanina dito?" tanong ni Sharm sa akin. Natahimik kami saglit dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong na iyon.

Gosh? Should I tell them about dun? I think di na kailangan. It's not a big deal, anyway.

"Ah, ano .. sabi niya sobrang ingay kasi natin kanina. Istorbo daw tayo kaya ayun, pinagalitan niya ako. Sabi niya lumipat na raw ako ng upuan."
sagot ko trying not to mention that motorcycle incident thingy.

"Gosh?! Yun lang? He's so hopeless talaga. Sayang papable pa naman. Huwag kang lilipat ng upuan, kundi ako ang makakalaban nun. Okay ka na dito kasi magkakalapit lang tayong lima." ani Chinchin. Ano raw? Yun papable? San banda?
Geez, he's a freaking monstrous guy for Pete's sake!

"Ganun na ba talaga yung Pilak na yun? Parang ang laki naman ata ng galit niya sa mundo. May friends ba yun?" tanong ko.
Kasi naman sa pag-uugali pa ng lalaking iyon, tiyak aayawan siya ng marami.

"Actually, yes. Parang ipinanganak na talaga siyang may dalaw araw-araw. Pero may friends naman siya. I don't know kung anong nakita nung mga friends niya sa kanya, ang sama naman ng ugali." sagot ni Sharm.

No Chaos No Love ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon