*******Chapter 46 - He Caught Me********
[ Note: Partially Edited ]
[ Naomi's POV ]
"Duh! hindi ko naman kasalanan yun eh! Akala ko kasi ang sasabihin mo 'wag mong isara ang pinto kundi makakatikim ka sa akin' akala ko gumagamit ka ng reverse psychology!" panghihimutok ko. Tumabi ako upang magkaroon na siya ng full access na pihitin ... uhh let me scratch that, I mean SIRAIN yung door knob. Naawa na ako sa door knob, plano ata siyang lagutan ng buhay ni Silver eh. Pati yung pinto sinali narin, walang awa.
"Hoy! Plano mo bang sirain yan?!"
"Are you stupid?! Sira na 'to! Anong gusto mo? tumambay tayo dito magdamag?!" inis nitong wika at pilit paring kinakalampag ang pintuan.
"Eh ikaw naman kasi eh! Sana nag straight to the point ka nalang! Hindi yung andami mo pang sinabi!"
"Are you putting the blame on me?" tumigil ito sa pagkalampag ng pintuan at humarap sa akin.
"Oo!" singhal ko.
Nagulantang nalang ang buo kong pagkatao nang humahakbang siya papalapit sa akin. Gosh?! Anong gagawin niya?! Oo alam kong maganda ako pero di ko naman akalain na susobra pa pala ang ganda ko kasi mukhang naakit ko si Silver!
"I m-mean h-h-hindi!" bawi ko bago pa siya makalapit ng tuluyan sakin. Ngunit talagang maniniwala na talaga ako sa napaka-assuming kong utak. Lapit parin siya ng lapit sa akin. Gosh! parang ayoko nang maging sobrang maganda! Lels.
"S-Silver ... d-di na ako natutuwa ha?" pag-uutal kong sabi sa kanya. Jusme! Hindi ako sanay sa mga ganitong eksena! Is this one of his games? Kasi hindi ito nakakatuwa.
Bigla nalang akong naging bloke ng yelo nang maramdaman ko na ang pagdikit ng malamig na pader sa aking likod. Should I shout for help?! Pero kami nalang nandito!
Luke! I need your help! Sana naman maramdaman mo na nasa panganib ako ngayon with this combined shrek+the hulk+hell boy+olaf monster! ... wait wag nalang nating isama si olaf, ang cute kaya niya! Hmp!
"Sige lumapit ka pa, sisiguraduhin kong mabubura yang pagmumukha mo!"
Parang gusto ko nang ma-iyak nalang at magdabog habang nakasalampak sa sahig gaya ng ginagawa ng mga batang uhugin!
Bumilog ang mga mata ko nang ikinulong na niya ako sa pamamagitan ng paglagay ng dalawang kamay niya sa sa pagitan ko.
Ooohh eeemmm geeee .. ayokong pagtaksilan si Luke! Ever! Galit ata yung author sakin eh .. sinasabuyan ako palagi ng kamalasan!
"Silver g-gusto mo talaga ako ano?" ewan ko lang kung anong nahampas sa ulo ko kanina at ganito nalang kung makapag-malfunction ang utak ko.
Anong katangahan ba ang nasingot ko at natanong ko iyon?! Paano nalang pagsasabihin niyang gusto nga niya ako? Kakayanin ko ba?
.
.
.
.
*a moment of silence*
"AHAHAHAHAHAHAHA" that laugh made me pokerfaced. I am still on the verge of nakadikit-parin-yung-likuran-sa-pader when suddenly, this lunatic guy burst into laughter. Okay pahiya ng konti. Hindi ko talaga lubos ma-intindihan kung bakit palagi nalang akong napapahiya sa harap ng damuhong ito!
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Dla nastolatkówA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
