*************Chapter 5 - Sleeping Beauty*************
[ Note: Partially Edited ]
Tiningnan ko pa rin siya habang nakatulala pa rin na nakaharap sa green board. Waring hinahanap pa yung kaluluwa niya at hinihintay na bumalik sa katawan niya.
Jusme! this can't be! Ano bang gagawin ko!? panic* *panic*
Agad akong yumuko ako at hinayaang matakpan ng aking buhok ang aking mukha. Di niya sana ako makilala, ajuju.
"Hey, while you still have a time, go find another sit." sabi niya.
Sa sobrang cold ng boses nito kulang nalang magyelo ang buong paligid. Para bang kagagaling lang nitong mabadtrip sa napanaginipan niya."Eh?" hindi ko napansin na napalingon na pala ako sa kanya at sakto namang nakatingin siya sakin.
Gaganess! Ba't ko ginawa yun!? Ibinalik ko ulit ang pag halumbaba ko. Shocks! Nahuli niya kaya ako? Malamang, nakatingin nga siya sayo kanina eh, waaa!!
PANIC OVERLOAD!!!
"Hey, you're familiar."
"H-ha? h-hindi! Hindi tayo magkadugo." ano ba yung sagot ko? Tunog tanga naman ata yun? Aish!
"Retard. What I mean is parang nakita na kita. Oh, ikaw nga yung tangang babae na nagnakaw at nagwasak ng motorsiklo ko. Ba't mo ako tinakasan?" galit na yung pagmumukha niya. Waaaa, nakakatakot ka kuya!
"Look, sorry okay?! Eh ikaw naman kasi eh! Ba't napaka-bilis mong magpatakbo noong mga panahong iyon?! Ayon tuloy! Naputikan yung regalo ng papa ko!" totoo naman eh! Galing pa talaga yun sa papa ko. Pinaka-iingatan ko yung damit dahil ilang taon ko narin di nakita si papa at natuwa ako kasi kahit ganoon ay di pa parin niya ako nakakalimutan. Sinusuot ko lang yun tuwing may importante akong lakad. Sinuot ko yun kasi kagagaling lang namin mamasyal ni mama nun, nakalimutan kong magbihis ng pambahay!
"Wala akong pakialam dun sa damit mo okay!? Mas mahal pa ng dalawampong beses yung motorsiklo ko keysa dun sa damit mo!" nagsisigawan na kami sa loob ng classroom kaya lahat ng classmates namin ay naka-tingin na sa amin.
Okay, I really don't want to gather their attention but this guy is unknowingly gathering them!Napansin naman yun ni sleeping beauty na sinumpong ata kaya sinigawan niya ang mga ito.
"Whats good on watching us, huh?!! This is not a live show!! LEAVE THE TWO OF US! ... NOW!!!" sigaw ni sumpunging sleeping beauty.
Napakagat nalang ako sa aking labi dahil kinakabahan talaga ako ng sobra. Naiiyak na ako!Tarantang nagsilabasan yung mga kaklase namin. Pati narin yung mga nagpakilala sa akin kanina ay lumabas narin.
Waaaaa! Nakakatakot na si kuya! Ajujuju!
Narinig ko pa yung usapan nung dalawang babae bago tuluyang umalis.
"Grabe! Ang cool talaga niya ano? Mas lalo tuloy akong na-iinlove! Kyaaa *insert nagblush si ate here*" ani classmate 1. Seryoso? Cool ba talaga tawag dun sa ginawa niya kanina? Kumunot ang noo ko dahil dun.
"Oo nga! Sana ni record ko yung pagsigaw niya kanina. Maganda sanang pang-ringtone ng cp ko, tiyak maraming magpapa-SHAREit sa akin!" Classmate 2. Mas malala pa ata to keysa nung una. Grabe, ganun ba talaga kasikat 'tong si kuya?
At hindi ko alam kung bakit gagawin niyang ringtone yung pagsigaw ni kuya e parang nakababasag eardrums nga ata yun!"Oo nga noh!" pagsasang-ayon naman nung babae. May toyo ata sa utak yung dalawang yun. Tuluyan na rin silang nakalabas ng classroom.
"Hah! How lucky are you? Talagang nagkita pa tayo ano? At di lang yun, we're classmates," he said then an evil smile showed in his face.
"As if I care? Ang malas ko nga at naging kaklase kita! *bulong sa sarili* sarap mong ihagis sa bintana, hmp!"
"Then try, as if you can." unti-unti siyang lumapit sa akin. I really wanted to kick his face but I couldn't find some guts to do it! Umatras nalang ako at namalayan ko nalang na wala pala akong aatrasan kasi naman malalaglag na ako sa aking upuan kapag aatras ako. Nilapit nito yung mukha niya sa akin pagkatapos ay bumulong sa tenga ko.
"You gonna pay for what you have done." lumayo na ito sa akin ng konti at nakita kong tiningnan niya yung name plate na nakasabit sa blouse ng uniform ko.
"See you around, Nayomi," aniya at nag lop-sided grin. Kinuha na niya yung kanyang black bag pack at isinabit sa kanyang kaliwang balikat. Naglakad na siya papunta sa pintuan. He is now waving his hand to bid a scary good bye.
Nakahinga na ako ng maayos nang maka-alis na siya ng tuluyan.
Geez, I thought mawawalan na ako ng ulirat! He's kinda scary at ngayon babawiin ko na yung sinasabi kong cute siya! He isn't cute anymore! He's a monster!
*See you around, Nayomi*
*See you around, Nayomi*
*Nayomi*
*Nayomi*
*NAYOMI*
NAYOMI!!??anong NAYOMI!?
NAOMI nga pangalan ko! as in NAWMI! Hindi NOMI at lalong-lalo hindi NAYOMI! Fudge!
Gaaaahh! Nakaka-inis talaga! Kailan pa ba mapuputol ang sumpa ng pagtorture ng pangalan ko!?
It's not funny, seriously.
*********
A/N: Hala! Hubarin mo na talaga yang lucky medyas mo Nayomi este Naomi pala. Hindi na ata effective yan pagdating kay sleeping beauty! HAHAHA!
Pasensya talaga kung maikli lang ang chapter na ito. Wala ehh .. sabaw ang utak ko ngayon XD Ano kaya ang susunod na mga eksena? ABANGAN ;)
-Sugar_Cutiewink97
Polar Light <3

BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Novela JuvenilA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.