******Chapter 60 - Feelings Confirmed******
[ NOTE: Partially Edited ]
[ Naomi's POV ]
"Aki? Paki-abot naman nung gunting." utos ko kay Aki habang inaayos yung magiging disenyo sa pader ng sala nila Silver. Pinaghahandaan ko talaga yung magiging party mamaya, birthday party narin ni Chinchin. Kaya nga pinaganda ko yung buong sala para magustuhan nung bakla yung theme ng birthday niya. Tinadtad ko na ng pink at blue yung buong sala. Favorite niya kasi.
"Eto po, tita Nomi." inabot niya sa akin yung gunting saka bumalik uli sa paglalaro ng mga laruang sasakyan.Tulog pa yung hunghang sa itaas. Mamaya pa ata ang gising nun. Tirik na tirik na ang sikat ng araw sa labas. Kulang nalang bumaba yung araw dito sa Earth at dalawin si Silver upang sampalin at ipa-alala na umaga na.
Napatingin ako sa may hagdan nang may maaninagan ako. Hayy nako, kakakwento ko pa lang sa kanya ah? Umikot ang kanyang paningin sa buong sala. Naka-kunot pa ang noo nito na halata naman kung ano ang nais niyang iparating.
Okay! Aasahan ko na ang kanyang madalamhating pangungutya!
"Ano yan?" tanong niya. Nang makababa na ito ay umupo siya sa sofa.
"Duh! Silver, nakalimutan mo na ba? May birthday party si Chinchin mamaya dito," wika ko. Good thing pang third day ko pa dito and that means bukas pa ang uwi ng pamilya niya. Mananagot ako kapag mahuli ako ng mga magulang niya na nag-iingay dito sa bahay nila. Maryosep, baka ipa-pulis ako pagnagkataon.
"Hindi ko nakalimutan yun. Pero ano to? Anong party ba ang plano mo? Childrens' Party?" bagot na bagot niyang sagot habang tinitingnan yung disenyo na nilagay ko sa ibabaw ng mesa malapit sa kanya. Bulaklak yun made from construction paper.
Anong masama sa mga disenyo ko? Porque ba garden yung theme eh sasabihin niyang childrens' party ang pinaplano ko!? Nakaka-asar na talaga siya ha!
How dare him to look down my talent!"Anong masama sa disenyo ko? Ang cute nga eh." inirapan ko ito tsaka bumalik uli sa pag-gunting ng mga ulap na may iba't ibang kulay. Ang cute kaya ng design ko. Bakit!? Mga bata lang ba ang may karapatan na magkaroon ng cute na party? Kailan pa nagkaroon ng batas na ganun!?
Are we prohibited to have a cute themed party?"Okay sabi mo eh." sinundan ko ng tingin yung halimaw. Umalis ito ng sala at ewan kung saang parte ng mundo pupunta. Pake ko ba dun?
Sana umalis nalang siya ng tuluyan at mamayang pagkatapos ng party nalang umuwi, tsk!"Ewan ko sa 'yo. Ano bang klaseng disenyo ang tipo mo? Yung mukhang pang-halloween!?" panghihimutok ko habang papalapit doon sa sofa na kinauupuan niya kanina. Tumayo ako doon upang ma-idikit ko na sa pader yung mga ulap na ginawa ko kanina.
Napahinto ako sa pagdidikit nang may maramdaman ako sa paa ko. Tiningnan ko iyon at nakita kong pitaka pala yun. Itinabi ko muna yung mga hawak ko at umupo sa sofa. Tiningnan ko yung wallet at isa lang ang taong naalala ko na may ganitong wallet.
Si Silver. Sino ba naman ang di makaka-kilala sa wallet niya? E kapag nagyayabang yun, labas agad ang wallet ng walanghiya na yun.
Nakaka-insulto tuloy sa wallet ko noh?Ilang segundo akong nakatitig sa wallet niya. Ilang saglit pa ay may kung akong masamang balak akong naiisip. Tiningnan ko muna si Aki just to make sure na safe ang gagawin ko. Nakita kong nakatalikod ito mula sa akin kaya itutuloy ko na talaga yung nais kong gawin.
FYI, titingnan ko lang naman yung loob ng wallet niya! Hindi ako magnanakaw, okay? Sa ganda kong to pag-iisipan niyong magnanakaw ako? Nakaka-hurt kayong mag-isip. Hmp!

BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.