******Chapter 1 - Fate******
[ NOTE: Edited, please be notified that once you read a note saying 'edited or partially edited' it means edited na siya at konting mali nalang siguro ang natira hahaha! But may ilang chapters pa dito na di ko pa na edit so you might curse my work because of the errors and typos you could meet. Sorry guys! Please bear with it habang nag-iedit pa ako hohoho. Yun lang, thanks! ]
"Nomi! Kulang yung binili mong ingredients! Asan na ba yung chocolate syrup!?" napangiwi ako sa lakas ng boses ni mama. Umalingawngaw ang boses niya mula sa kusina.
"Mama nandiyan lang yan! Baka naman nilantakan na yun ng bruha!"
sagot ko bago binalik ang aking paningin sa pinagkakaabalahan ko.
Tsk! Kainis naman bakit ba ang hilig nilang sumigaw!? Ayan tuloy uulitin ko na naman ang pagpapatayo ng tiles ng domino! I am now doing this for the 6th time and I am getting tired already. Alam niyo yung pinagsusunod ang bawat isang domino tsaka kapag mahaba na ang nagawa mong pagsusunod eh itutulak mo yung pinaka-una o pinaka-huling tile ng domino.
Ganun lang naman ako ka-bored.
#WALANGMAGAWA
"Hoy! Ako na naman sinisisi mo!? Kung alam ko lang sana na bumili kayo ng chocolate syrup tiyak ako na kumuha nun! Eh di niyo pinaalam!" laban nung kapatid ko. Di raw, asus tiyak naubos na yun. Eh ang laki ng bodega sa tsan ng batang yun. Isang lunukan lang siguro yung isang bote ng chocolate syrup.
Lumingon ako sa kanya na kasalukuyang nanunuod ng palabas sa tv.
"Baka naman inubos mo na! Tinatanggi mo pa."
wika ko bago inalis ang paningin sa kanya.
"Hindi nga! Mommy! si ate loka loka oh, pinagbibintangan ako. Paano mo naman nasabing ako ang kumuha? Bakit!? Nakita mo ba!?" gusto kong lisanin yung sala at lumipat nalang sa kwarto kaso tinatamad akong ulitin uli yung pagpapatayo ng mga domino. So I'll have to endure disturbances.
"Hindi."
sagot ko sa kanya.
"Yun naman pala ehh!"
"Nomi lumapit ka nga rito." sabat ng mama ko. Kaya ayun iniwan ko muna yung ginagawa ko. Bakit ba gustong-gusto nila akong istorbohin? Geez!
Nang makarating na ako sa kusina ay lumapit na ako kay mama na kasalukuyang nagmimix ng mga ingredients para sa gagawin niyang cake.
"Ano yun mama ganda?" pa-cute ko pang sabi habang sinasandal ang ulo ko sa balikat ni mama. Alam kong alam ni mama na may ibang pakay itong sweetness ko. Oo na, may plano akong humingi ng pera pambili ng coke float hahaha.
"Aba'y tigilan mo ako sa pambobolang yan. Kita mo itong listahan ng bibilhin mo? Ba't di mo nilista yung chocolate syrup!" wika nito sabay pingot sa tenga ko.
"A-a-araaayyy!" daing ko habang hinihimas ang piningot kong tenga. Umupo ako sa silya katabi nung mesa na kung saan nag-peprepare si mama. Hanggang ngayon ay nanunuot parin yung sakit! Grabe talaga yung kamay niya.
"Mama naman eh! Di kana maganda," bulong ko. Di ko inakalang maririnig niya ako kaya ikinagulat ko ang pagkuha niya ng sandok. Balak niya sana akong paluin nun kaya bago pa ako makatanggap ng bukol ay tumakbo agad ako papunta sa pinto ng kusina.
"Ma! Grabe ka naman! Masakit kaya yan!"
reklamo ko.
"HAHAHAHA! Buti nga sayo! Bleeee!" pang-iinis sa akin ng bruha kong kapatid. At talagang ginagalit mo ako!? Hinubad ko yung tsinelas ko at ibabato ko sana sa kanya kaso tumakbo siya at nagtago sa likod ng couch.
"Tumigil nga kayong dalawa! Nomi bumalik ka nalang dun convenience store at bumili ka ng chocolate syrup, yung pera nasa ibabaw ng dvd player sa sala."
utos ni mama sa akin.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
JugendliteraturA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
