***********Chapter 20 - The Mysterious Guy***********
[ Naomi's POV ]
Nandito ako ngayon sa bench ng field nagrerelax at lumalanghap ng sariwang hangin. Ayan, naisip ko tuloy si Luke kapag nandito ako sa field.
Nako naman, kailan kaya kami magkikita uli? Madalang nalang kasi kami magkita. Simula nung napadalas na ang pagkikita namin ni Silver, naging madalang na kaming magkita ni Luke. May dala talagang kamalasan si Silver, nakakainis.
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin yung lintik na pag-uusap namin ni Silver noong nakaraang linggo. Oo, isang linggo na ang nakalipas mula nung pag-uusap namin tungkol sa debt ko, at sa isang linggo na yun ay hindi man lang ako nakalikom kahit bente pesos man lang! Pambihira na talaga, malabo kasing makalikom ako ng ganoon kalaking halaga noh! Anong akala niya sakin? bilyonaryo?!
Nakakainis lang talaga kasi araw-araw niya akong kinukulit dun sa letseng utang ko. Sabi niya kasi bibigyan niya muna ako ng isang week para makalikom ng pera. Bwisit lang, ni buong buhay ko man ang ibibigay niyang limitation para makalikom, hindi parin ako makakalikom ng ganung kalaking pera noh for pete's sake!
Araw-araw niya akong kinukulit gaya ng ....
'Hoy yung utang mo, huwag mong kalimutan.'
'Ang utang mo, baka naman binaon mo na sa limot?'
'Don't ever forget your debt, I'm going to claim your payment next week.'
'Nakalikom ka na ba? make sure you did, dapat mangalahati ka man lang.'
'Hey! Don't ever try to escape. Humanda ka sakin pag gagawin mo yun.'
.. at marami pang iba! Nakakabuwisit lang! Parang gusto ko siyang sapakin kapag kinakausap niya ako para lang diyan. Sinisira niya yung araw ko alam niyo yun?
Kaya naisipan ko munang mapag-isa muna dito. Lunch time kasi ngayon at nagsinungaling pa ako sa Chuchu friends ko na mag-rerest room muna ako, pero ang totoo pumunta talaga ako dito para mabawasan man lang yung kaba ko.
Haleer? sinong hindi kabahan kung sisingilin ka na ng napakalaking halaga?! As-in ngayong araw na talaga! Haaayy nako ewaaan, kaya gusto kong mapag-isa muna ngayon. Parang pinagsukluban ako ng langit at lupa ngayon. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, parang magkakasakit ako na ewan.
Walang hiya talaga yung Pilak na yun! Walang puso! walang buto! walang laman loob! Huwag naman niya akong igaya sa kanya noh! mayaman siya kaya parang simple lang sa kanya na sumingil ng ganung kalaking halaga. Tinalo ko pa ang magbabayad ng ransom sa pressure na dala niya sakin.
Ayoko namang sabihin kina mama ang sitwasyon ko ngayon. Baon na nga kami sa utang dadagdagan ko pa problema nila. Ayaw ko namang sabihin rin sa Chuchu friends yung problema ko kasi ayaw kong humiram pa sa kanila ng malaking pera. Masyado nang makapal ang mukha ko kapag manghihiram pa ako ng ganun kalaking pera sa kanila. Ano naman ang ibabayad ko sa kanila kapag pinahiram nga nila ako?
Naisipan kong umupo nalang sa damuhan at pinagpipitas yung mga halaman sa paligid, pati damo di ko narin pinalagpas. Ewan ko nalang kung di ko makalbo itong field. Ewaaann, frustrated na talaga ako ngayon. Parang gusto kong maglaho, pero mas gusto ko namang si Silver nalang yung maglaho! Much better.
Grrrrr kainis! Parang kasing-kahulugan talaga ng salitang malas si Silver. Nakakabanas.
Habang busy ako sa pagpipitas ng damo ay nakarinig ako ng mga lalaking nag-uusap sa paligid. Parang nasa likuran ko ata sila.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Dla nastolatkówA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
