Chapter 14 - The Reincarnation of ECSTASY ( Part 1 )

320 8 1
                                        

*******Chapter 14 - The Reincarnation of ECSTASY ( Part 1 )*******




[ Silver's POV ]

"Hoy Rio! Gumising ka na nga diyan! Baka gusto mong tadyakan kita?!" sigaw ko kay Rio na nakadapa parin sa sofa ng tambayan namin. Mukha itong walang buhay sa itsura nito. Sabog na sabog ata mula pa kagabi.

"Teka lang Silver ... inaantok pa ako ... ansakit pa rin ng ulo ko. Bigyan mo ako ng mga five minutes." walang kabuhay-buhay na sabi ni Rio. Nakadapa pa rin at may plano atang matulog. May pagka-antukin talaga ang isang to.

"Grabe brad. Hang-over parin ako kahapon. Umiikot parin yung pangingin ko, grabe." daing naman ni Ven. Dumagan ito kay Rio na siyang ikinainis nito sa kanya.

"Umalis ka nga diyan Ven! Masakit yung katawan ko! Hay*p ka." reklamo ni Rio. Tinulak niya si Ven at nahulog naman ito mula sa sofa. Mukha namang hindi ito nasaktan mula sa pagkahulog dahil hindi man lang ito nagbigay ng reaksyon na nasaktan.

Pambihira yung epekto ng alak sa kanila. Hindi na ata umepekto ng maayos yung mga nerve cells ng mga ul*l. Napa-tss ako habang tinitingnan silang lahat.

"Umayos kayo diyan. The band play will start later. Mga 2:00pm." sabi ko bago umupo sa sofa. Grabe pati rin pala ako, sumasakit parin ang katawan ko. Pasadong alas-dose na kasi umuwi sina Ven kagabi. Kaya ito, nasobrahan sa alak. Buti nalang talaga at hindi ako uminom ng marami kagabi, baka naging kagaya ko na si Rio ngayon.

Si Shawn at Prince naman ay nandun sa sahig natulog. Si Rio ay dun sa sofa, si Ven nandun malapit sa sofa na kinahihigaan ni Rio. Ako at si Nathan ay nasa isa pang sofa naka-upo.

"Rio? nakahanda na ba yung mga instruments na gagamitin natin mamaya?" tanong ko.

"Mmmm .. nalinis na kahapon bago tayo pumunta ng bahay niyo." sagot niya habang nakadapa parin sa sofa.

Sa banda pala namin ako yung lead guitarist at yung isa ay si Shawn. Ngayong wala na si Yuan ako na ang pumalit sa pagiging vocalist niya kaya dalawa na ang hinahawakan kong posisyon sa Ecstasy, bilang vocalist at lead guitarist. Si Nathan naman ang nakatoka sa keyboard. Si Rio ang drummer, at si Prince sa base. Si Ven ang nakatoka sa base guitar. Tatlo kaming humahawak ng electric guitar sa grupo .. si Ven, Shawn at ako.

"Takte naman to. Sana pala di tayo uminom kahapon." saad ni Nathan. Sumandal ito sa balikat ko kaya tinulak ko siya palayo. Langya, di ko pinangarap magkaroon ng baklang pinsan.

Tiningnan ko yung wristwatch ko upang malaman kung ilang oras nalang ang natitira bago yung play. Buti at 9:32 pa ng umaga, makakapag-relax pa kami.

Kaya umidlip na muna ako para mawala na yung sakit ng katawan ko mamaya.

-----------

[ Naomi's POV ]

Na kansela na pala ang mga klase sa whole level ng Celestine Academy ngayong araw. Pinilit kasi ng student council si madame principal na kanselahin ang buong klase ngayon. Kaya ayun, pumayag naman si madame principal, bet ata yung Ecstasy kaya pumayag agad.

Busyng-busy na yung mga kaklase ko sa paggawa ng tarpaulin at iba pang props para sa gaganaping pagtugtog ng Ecstasy mamaya, pero ako nakatunganga lang naman na naka-upo sa upuan ko. Ganun ba talaga ka-importante ang banda nila Silver?

"Hoy baby girl! Ba't nakatunganga ka lang diyan?" sabi ni Chinchin na busy sa pagkalikot ng camera niya.

"Talagang mahal niyo yung banda nila Silver ano? Talaga bang magaling sila?" tanong ko habang nakalagay yung dalawang palad ko sa aking magkabilang pisngi at tiningnan si Chinchin.

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon