******Chapter 40 - The Concerned Arrogant******
At last! May nagcomment na rin na ipagpatuloy ko ang pagsulat ng kwento XD Salamat!
*******
[ Naomi's POV ]
Lumabas na ako ng chess room habang may halong pagtataka parin sa mukha ko.
Sino ba yung lalaking yun? I can feel a bad aura sa kanya. Isang aura na tanging mga casanova lang ang nagtataglay. Unang approach niya pa lang sa akin ay na-sesense ko talaga na ganoon siya. At dahil dun ay naalala ko tuloy si Ven sa kanya.
Sa naalala ko, Ken Castro ata yung pangalan niya. Hindi ba't Castro rin yung apelyedo ni Ven? Hindi kaya magkapatid ang dalawang unggoy na yun?
Buti nalang talaga at to the rescue agad si Silver sa akin. Teka lang ba't agad niyang ginawa yun? Kinabahan pa naman ako kanina kasi iba yung labanan ng tingin nila. Aish! Baka kung ano na ang nangyari sa loob!
Lumingon ako sa pinto kaso nakasara na iyon. Hindi ko na makita ang mga nangyayari sa loob.
Tsk, hindi naman siguro mangyayari yun. Sino naman ako para maging dahilan ng away nila? Concerned lang siguro sa akin si Silver kaya agad niya akong pina-unang umalis.
CONCERNED!?
WHAT THE!? What are you thinking, Naomi? Kailan pa siya naging concerned sa iyo? Eh wala nga yung pakialam sa iyo kahit lumamon ka man ng apoy o lumaklak ng muriatic acid!
Nagising ako mula sa aking malalim na pag-iisip nang maramdaman kong may humila ng bag ni Silver na bitbit ko. Napagtanto ko nalang na si Silver pala iyon. Nakatingin lang siya sa malayo at nagpatuloy sa paglalakad dala na yung bag niyang sobrang bigat. Magkaka-muscle na ata ako dahil doon.
Nagtaka ako nang huminto siya sa paglakad at lumingon sa akin.
"Oh anong hinihintay mo diyan? Sumunod ka." sabi niya na siyang nagpagising ng diwa ko. Lumapit ako sa kanya at sabay na kaming naglakad.
Ang lakas ng loob niyang utos-utusan ako. Sus! Kung hindi lang ako nagkautang sa kanya malamang pinatapon ko na ito sa Amazon River at ipalapa sa mga kaibigan kong piranha!
Nababalot ng katahimikan ang paligid habang naglalakad kami. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Pero kung pagbabasehan ko ang daanan na tinatahak namin ay sa tingin ko papunta kami sa field. Ano naman ang gagawin namin dun? Magtatakbo?
"Saan ba tayo pupunta?" pambasag ko ng katahimikan.
"Basta." nakakawalang-gana talaga ang sagot na yan. Tama bang sagutin yung tanong mo ng 'basta'? Sinong hindi ma-babadtrip nun? Psh.
Pagkalipas ng ilang minuto ng paglalakad ay nakarating narin kami sa field. Nakasunod parin ako kay Silver at napansin kong papalapit siya dun sa lilim ng puno ng mangga. Nilapag na niya yung bag niya sa lupa. Umupo narin siya sa damuhan at sumandal doon sa malaking puno.
Nakatayo parin ako sa harapan niya kasi naman baka may utos ang kamahalan. Nakakapagod yung uupo ka tapos tatayo na naman kasi may utos kang gagawin. Pero lumipas na lang ang isang minuto kong paghihintay ay wala akong natanggap na utos mula kay Silver. Tahimik lang itong nakatingin sa cell phone niya. The heck, nagmumukha lang akong puno na nakatayo sa harapan niya.
THE NERVE THIS ARROGANT GUY!
Aalis nalang ako, nagpapahatid lang ata ang asungot. Bwisit, alam niya bang nakakapagod maglakad papunta dito? Tsaka may kailangan pa akong kunin sa classroom! Pambihira talaga, nasayang ang oras ko.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
