Chapter 51 - Babysitter

251 5 0
                                    

******Chapter 51 - Babysitter******

[ NOTE: Partially edited ]

[ Naomi's POV ]

"Ate!" naalis ang aking paningin doon sa librong aking binabasa nang tawagin ako ni Lemon. Sa sobrang lakas ng boses ni Lemon paniguradong umabot ang boses niya sa kabilang bahay.

"Bakit?" sagot ko.

"May knock knock ako," anya pagkatapos ay nginitian ako ng pagka-laki-laki. Geez, for sure iinit lang naman ang ulo ko sa mga jokes niyang hindi ko alam kung dapat bang tawaging joke.

"Ano yun? Siguraduhin mong maganda yang knock knock mo."

"Maganda to! Eto na .. knock knock!"

"Who's there?"

"Naomi,"

"Naomi who?--- T-teka lang!? Naomi? Hoy! Pinagtitripan mo na naman yung pangalan ko? Tigilan mo nga ako Lemon." binalik ko nalang uli yung tingin ko sa librong hawak ko. Minsan talaga umaabot na sa ganitong boredom yung kapatid ko. Yung tipong ayaw niyang siya lang yung may walang kwentang araw kaya gusto niya ring may masiraan ng araw.

"Ate naman eh! Minsan nga lang tayo mag joke!" napatingin ako sa kanya at sumilay sa aking paningin ang mukha nitong nakabusangot at ang nguso nitong halos mahulog na sa sahig.

"Talaga? Anong minsan? Araw-araw ka kaya nagsasaboy ng korni jokes duh!" sabi ko bago ito inirapan. Alam mo yung feeling na ang ganda sana ng araw mo ngunit pagkarinig mo sa joke ni Lemon, ma-eembyerna ka nalang?

"Ate! Sige na! Maganda to promise!" nginitian niya ako at akala niya naman na makukumbinsi niya ako. Pero .. sige na nga! pagbigyan. Pero kung hindi maganda yung joke ng batang ito, titilapon sa kanya itong librong hawak ko.

"Okay, sige ulit." binaba ko yung librong hawak ko at tiningnan si Lemon na sumampa sa kama ko. Aba, naki-join yung bruha.

"Knock knock!" sigaw niya.

"Who's there?"

"Naomi,"

"Naomi who?"

"I saw Naomi kissing .. Santa Claus. Underneath the missletoe last night HAHAHAHA! Nakakatawa ate hindi ba? Hahahaha!" nakahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa. Napa-poker face ako at binalik nalang ang aking paningin sa libro.

Langya, ni hindi ko nga matukoy kung saan parte ako tatawa sa joke raw na yun. Kung dun ba sa bahaging may pangalan ko o yung sa bandang tumawa na siya kahit wala namang nakakatawa.

"Sige na Lemon, kumain ka na. Nalipasan ka ata ng gutom,"

"Ate naman, slow ka lang ata eh kaya di mo nagegets yung joke ko!"

"Eh kung ihampas ko kaya sayo itong libro ko?"

"Joke! hahaha. Sabi ko nga eh, hindi nga nakakatawa. Bawi nalang si me next time. Pag tumawa ka na treat mo ko ha? Hehehe." sinundan ko siya ng tingin nang umalis ito mula sa pagkaka-upo sa kama ko.

'Huh! As if naman makakabuo ka ng joke na tatawa ako. Pang ilang attempt mo na kaya yun.'

Halos ikinalaki ng mga mata ko nang huminto siya malapit sa study table ko which is a very private place ng kwarto ko. There's a lot of hidden stuffs there that is not supposed to be seen!

Paalisin ko na sana si Lemon sa kwarto ko kaso huli na ang lahat. Mukhang yung bruha may nakita na atang nakakaintrigang bagay.

"Ate ano to?" umawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.

No Chaos No Love ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon