Chapter 41 - One Bad Move

183 6 6
                                    

******Chapter 41 - One Bad Move******



[ Naomi's POV ]



Nandito ako sa loob ng cafeteria kasama ang nag-uumapaw sa kagandahan kong kaibigan na si Chinchin. Hinihintay pa kasi namin yung ibang loka na dumating, ewan ko lang kung saan nagsusuot ang mga yun at ang tagal atang makapunta dito.

"Gosh! Saan na ba yung mga baklitang iyon? Why they are so matagal? Napakaganda ko masyado para paghintayin lang!" paglilitanya ng bakla habang may halong kaartehan ang pag-inom dun sa pineapple juice niya.

"Girl! Papunta narin yun dito" sabi ko habang sinasagutan yung assignment namin sa english, buti pa 'tong baklang nasa harap ko tapos na.

"Anong papunta na?! Eh halos matutuyo na yung mata ko sa kakahintay sa kanila noh! Gosh! I really need air na talaga baby girl at baka di ko na mapigilang hingin yung number ng papa dun sa kabilang table. Humaygash baby girl! He's so cute diba?" muntik nang malaglag yung panga ko sa sinabi niya. Kahit kailan ang lakas talaga ng sipa ng kalandian ng baklang ito. Kahit nasa tyempo pa ng galit eh kayang isingit yung kalandian niya! Pwede nang parangalan ng Best Talanding Vakler of the Year.

"Alam mo ang landi mo" sabi ko ngunit lumingon parin ako dun sa direksyon kung saan nakatingin si Chinchin. Sayang naman kung di ko makita yung sinasabi niyang gwapo, nahawa na ata ako sa kalandiang taglay ng bakla.

Well cute naman, kaso hindi ako masyadong nadala sa kagwapuhan niya. Iba parin yung taglay na kagwapuhan ni Luke. Hihihi, hashtag landi overload.

*bzzzt* *bzzzztt*

Napatingin naman ako sa cellphone ko nang makita kong umilaw ito at nagvibrate. Nakita ko namang may message ako mula kay Sharm kaya kinuha ko na yung cellphone ko na nakalagay sa tabi ng libro na binabasa ko.

| From: Chuchu'Sharm <3

Nao! Nand2 prin kmi sa classroom. Nwala ksi yng wallet ko eh, kya tnulngan ako nina Shane at Francheska na maghanap. Sorry if matatagalan kmi. Love yaa ;** |

"Chinchin .. matatagalan ata sina Sharm eh nawawala kasi yung wallet niya. Nandun sila sa classroom naghahanap." sabi ko nang hindi parin nakaalis ang tingin sa screen ng cellphone.

"Gosh, dinadapuan na naman ata ng katangahan yung gaga" sabi niya. Tumingin naman ako kay Chinchin at napahalumbaba nalang ako sa nadatnan ko. Sheezz, ba't ba naglihis ng landas ang baklang to! Ang gwapo niyang tingnan habang busy siya sa kakalaro ng ewan dun sa tablet niya. Sayang talaga.

"Chinchin, ba't ba ang gwapo mo?" sabi ko at agad namang napatingin si Chinchin sakin na para bang may sinabi akong nakalabag sa batas ng kagandahan niya.

"Yuck! yuck! You're so kadirdir baby girl ha? Ka federasyon moko! Wag mokong matawag na gwapo! Instead purihin moko'ng maganda! Nakakawindang yang pinagsasabi mo, ew!" sabi niya at bumalik uli dun sa paglalaro niya. Kung makapag yuck naman sobrang OA, sarap hampasin ng libro.

"Eh totoo naman eh, ang gwapo mo kaya tsaka alam mo kung pusong lalaki ka sana malamang crush na kita" sabi ko. Hindi ko naman mapintura yung pagmumukha ng bakla habang nakatingin sakin ng okay-ka-lang?-parang-hindi look.

"Gosh girl .. kumain kaba kanina? Halika na nga, parang may nalalanghap ka atang alikabok dito eh" sabi niya.

"Grabe ka naman, masama na bang magcompliment?"

"Compliment pa ba yun sa lagay na yun? Eh parang galing ka ata sa malalang exposure ng radiation eh, naapektuhan na ata yung brain mo!" sabi niya at tinulungan na akong magligpit ng gamit ko.

No Chaos No Love ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon