******Chapter 59 - End of Contract******
[ NOTE: Partially Edited ]
[ Naomi's POV ]
Mahigit isang oras narin akong nagpa-lakad lakad sa buong sala. Umupo sa sofa, binuhay yung tv tapos lalapit uli sa aquarium.
Ganun lang naman ka boring ang nararanasan ko ngayon. Walang hiyang Silver. Sinadya siguro nun na magpatagal para lumutin ako sa kakahintay.
"Tita Nomi! We are here!" umaliwalas ang mukha ko nang marinig ko ang matinis na boses ni Aki. Lumingon ako sa pintuan at doon ko nakita si Aki na tumatakbo papalapit sa akin.
"Oh? Ba't ang tagal ninyo?" tanong ko. Napunta ang paningin ko kay Silver na bago pa lang dumating. May dala itong plastic bag na may lamang iba't ibang grocery.
"Galing kami sa mall, nagbuy kami ng foods kasi ubos na raw yung mga foods sa ref." sagot ng bata.
"Ahh," napatango ako. Bumilog ang mata ko nang maalala ko ang matagal ko nang plano kanina pa.
I cast a look at Silver who is now removing his shoes."Wait lang Aki ha?" lumapit ako kay Silver nang makaupo na ito sa sofa. May kung ano itong pinagkakaabalahan sa cellphone niya. Dahan dahan akong umupo sa tabi niya, siyempre with space parin. Ayoko namang mabugahan ng apoy sakaling badtripin siya sa sasabihin ko. Think wise kumbaga, hohoho.
"Uhh .. Silver?" walang buhay siyang tumingin sa akin.
What's up with that lifeless look!? Eish!"Ano?" he asked.
"Ano, may itatanong lang sana ako. Tungkol dun sa debt, kailan mo ba tatapusin yung nakasaad sa contract natin?" binalik niya ulit ang paningin sa cellphone niya.
I received a 5 seconds of silence before he talked."Ba't mo naman na tanong?" napa-isip ako. Jusko, paano ko ba sasabihin to in a good way? Yung tipong hindi halatang gusto ko nang kumawala sa galamay niya.
Hindi naman pwedeng prankahin ko siya ng 'Ayoko na kasi, nakakapagod na kaya! Tsaka ang sungit mo pa, ang dami mong nalalaman na checheburecheng i-uutos sa akin!' .. tiyak maisipan na naman nitong paglaruan ako ulit at mas lalong hahabaan yung contract and I will never let that happen!
"Ahh, wala lang, natanong ko lang." sumandal siya sa sofa pagkatapos ay nilagay ang cellphone sa lamesita na nasa gilid ng sofa.
"Mamaya," bumilog ng bongga yung mata ko. Karakaraka? Agad agad? Di ko inaasahan ang sagot na yun ah. Ang nasa isip ko kasing isasagot niya ay 'next week' , 'next month' , and worst 'next year'!
Ang bongga, bumait nga talaga ang asungot. What's wrong with him!? Did someone threaten him for being an arrogant and rude?
"Talaga?" siyempre hindi ko pinahalata sa boses ko ang nag-uumapaw na kagalakang nararamdaman ko. Kulang nalang mag jumping jack ako sa sobrang saya!
Jusme, naiiyak ako na ewan!"Oo, ayaw mo?" lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
'Hayup! Sinabi ko bang ayaw ko!? E kulang na nga lang magsumigaw ako sa sobrang saya eh!' sigaw ko sa isipan ko.
"Ahh, hindi. Okay na nga yun kasi .. uhh .. hindi na ako .. mahihirapan sa kakaisip ng mga palusot kung paano tatakasan yung mga tao sa paligid ko sa tuwing uutusan mo ako" jusko, okay lang ba yung sagot ko? Pakiramdam ko tuloy sumabak ako sa isang interview!
I need to construct sentences that could trigger him to believe me."Okay, kukunin ko muna yung contract dun sa taas." umawang ang bibig ko sa nangyari. Teka lang, parang may mali eh. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at bakit matatapos na agad ngayon yung contract.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Ficção AdolescenteA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.