*********Chapter 24 - Ang Mapagmatyag Na Si Francheska*********
[ Francheska's POV ]
Nakaalis na ng classroom yung dalawa. Naiwan naman kaming may pagtataka sa mukha. Nagsitinginan kami sa isa't isa at alam kong maraming katanungan ang nakapaskil sa aming utak ngayon.
"Anyare?" tanong ni Sharm.
"Gosh Chinchin! *batok kay Chinchin* ba't ba kasi supah lame ng palusot mo kanina!" sabi ko kay Chinchin.
"Loka loka ka ba? How can I focus myself kung may papable sa harap?!" sabi niya at uminom ng juice.
"Hoy Christian! ba't mo inubos yung juice?!" reklamo ni Shane.
"Eh sa nauuhaw ako eh. Grabe, hindi ako makahinga sa titig ni papa Silver! It was so intense!" wika nito sabay paypay sa sarili. Lahat kami ay tiningnan siya ng masama. Like haleer?! Ilang baso na ba ng juice ang naubos nito?!
"Hala bumili ka! ikaw ang umubos eh. Bilis!" lalong nainis si Shane nang makita niyang kinuha nito ang make-up kit niya at nagsimulang maglagay ng blush-on.
"Ano ba yaann .. wag ka nang maglagay ng blush on! *pingot sa tenga ni Chinchin*" sabi ni Shane.
"Ouch! my beautiful ears!" daing ng bakla. Napahimas-himas ito sa tenga niya matapos makatikim ng pingot kay Shane.
"Ako na ang bibili mga girls, anong flavor?" wika ko bago tumayo. Di sila makapaniwala kaya napanganga silang tumingin sakin. Lumantad sa pagmumukha nila ang pagkagulat. Na para bang may himala silang nasaksihan.
"What?! Ang dami niyo pang cheche bureche diyan. Tell me the flavor you want, hurry! Ayokong naghihintay ang maladiwata kong beauty!" naiinip kong sabi. Doon lang sila nawala mula sa pagkagulat at nakita kong nag-iisip sila ng flavor na gusto nila.
"I want grape!" sigaw ni Chinchin.
"Shut up Christian! ikaw na nga ang tumungga nung juice, ikaw pa ang masusunod ngayon? Apple ang bilhin mo, Francheska." wika ni Shane. Umaliwalas ang pagmumukha ni Sharm nang marinig niya ang gustong flavor ni Shane.
"Yeah! I want apple!" pagsasang-ayon ni Sharm.
"I hate you girls! I want grape eh .. hmp!" pagtatampo ni Chinchin sabay lamon ng malaki sa pizza. Patay gutom talaga tong baklang ito.
"Okay, apple juice." sabi ko at naglakad na paalis. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang mga bulungan ng mga lokaret.
"Gosh? okay lang ba si Francheska? himala ata at nag volunteer bumili." bulong ni Sharm. Binulong pa, rinig ko naman. Hmp!
Nang makalabas na ako sa classroom namin ay muling nabuhay sa aking mga ugat ang iba ko pang pagkatao.
Chus, ang deep hahaha.
Francheska converted to a spy. Yes, eventhough hindi halata I am a spy or somewhat a detective. Ako ang lumulutas sa lahat ng mga misteryo o mga kakaibang nagaganap sa paligid. And here, may bago na naman akong misyon.
Nasa hallway na ako nagca-cat walk. Iba talaga ang pakay ko. Talagang nagdududa ako sa dalawang iyon. Silver and Naomi together? Huh, that is unusual.
Alam niyo kasi .. nung isang araw naghahanap rin si Silver kay Naomi. Nagtataka talaga ako that time, kasi naman hindi sila close o nakikitang nag-uusap pero bakit hinahanap siya ni Silver?
Ngayon naman hinahanap na naman ni Silver si Naomi. Tapos kung makapag-react si Naomi kanina parang may tinataguang krimen. I was curious na talaga. Curious na ang maladiwata kong beauty.
![](https://img.wattpad.com/cover/2559598-288-k917312.jpg)
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.