Chapter 8 - Unexpected Call

372 10 2
                                        

********Chapter 8 - Unexpected Call********




[ A/N: Guyss? Vote and comment naman kayo jan .. para naman ganahan akong mag-update, HAHAHA .. I need to hear your sides para naman malaman ko kung may nagbabasa ba ng storya nato. Thankiss! ;) ]

( After 1 week mula nung eksena sa cafeteria )

-Lunch Time-

[ Naomi's POV ]

"Ilan ba kayong magkakapatid?" tanong ko kay Shane.

Nasa hallway kami ngayon naglalakad papuntang classroom. Kagagaling lang namin pumunta ng cafeteria para bumili ng makakain. Kahit kailan talaga di ko natitiis ang gutom, kusa na talagang lumalakad ang mga paa ko papuntang cafeteria para bumili. Siguro magkakuntsaba ang mga paa ko at tsan. Kay sarap pagbuhulin.

"Actually only child lang talaga ako. Minsan nga gusto kong magkaroon ng kapatid eh. Kaya parang kapatid narin ang turing ko sa inyo. Eh ikaw?" sagot niya sa tanong ko.

Nagtataka ba kayo kung nasaan sina Chinchin, Francheska, at Sharm? Ewan di ko rin alam. Bigla lang silang nawala sa paningin namin ni Shane. Baka nagbo-boy hunting siguro. Kaya pala panay ang lagay ng make-up nung dalawang bakla.

"Tatlo kaming magkakapatid, dalawa kaming babae. Pangalawa ako, may babae akong bunso, tsaka isang lalaki, kuya ko." sagot ko.

"Talaga? May kuya ka? Naks! .. Sana makita naman namin siya, panigurado gwapo yun. Hahaha, ang landi ko talaga." natawa ako sa naging reaksyon ni Shane.

"Hahaha, gwapo nga, loko loko naman. Mahilig yun mang-inis." sagot ko. Totoo naman talaga, walang araw na di ako iniinis ni Kuya Calvin. Pwera nalang pag may sakit siya o wala siya sa bahay, nawawala ang kabaliwan nun. Ayan tuloy, namiss ko na naman si kuya.

Natigil na lang ang pag-uusap namin nang may humarang sa dinaraanan namin.

"Shane, pinatawag ka pala ni Miss. Villar. Ipapatapos sana yung ipinagawa niya sayo kahapon." si Rica lang pala, kaklase namin.

"Ah, okay. Papunta na'ko." sagot naman ni Shane.

Umalis na si Rica sa harapan namin. Ano yun? Wala man lang smile? Badtrip ka ate?

"Psh. Nakaka-inis talaga, aabutin na naman ako ng ilang dekada ngayon. Sige Naomi, punta muna ako sa office ni Miss Villar ah? Alam mo naman yun, parang may dalaw araw-araw. Sige, sa classroom nalang tayo magkikita."

"Aah, sige ingat ka. Babush.*smile*" sabi ko at niwave ko ang isang kamay ko.

"Babush." nagwave ng kamay si Shane bago naglakad paalis.

Tiningnan ko pa si Shane habang naglalakad paalis, hanggang nawala na siya sa paningin ko. Haisst.

*sigh*

"Kainis. Asan na ba kasi yung tatlo? Wala tuloy akong makaka-usap ngayon." pabulong kong sabi at naglakad nalang pabalik ng classroom. Sayang naman tong dala kong clover, malaki pa naman yung binili ko.

-----------

Pumasok na ako ng classroom at laking gulat ko nang makita kong wala pa yung mga kaklase ko. Shocks? Ganun ba talaga sila katagal kumain? Umaabot nang isa't kalahating oras? 1:48 na ah? Palibhasa wala kasing klase mamaya kaya okay lang sa kanila na magmukmok dun sa cafeteria.

Well pwera nalang kay Silver, wala atang trip kumain, baka naman diet?

As usual natutulog na naman siya, trip niya talagang sundan ang yapak ni Aurora ( sleeping beauty ). Naks, lakas maka fairytale ah .. kainis, ano ba tong pinag-iisip ko.

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon