Chapter 10 - The SHOCKING OVERLOAD News

375 11 0
                                        

********Chapter 10 - The SHOCKING OVERLOAD News********




[ Luke's POV ]

Naks, first POV ko to!

Nathan Luke Yu pala *wink* .. hindi na ako magbibigay ng maraming info tungkol sa sarili ko, makikilala rin naman ninyo ako eh. Mas mabuti yun kasi unti-unti kayong maiinlove sakin. Hahaha , joke lang yun. Nasa sa inyo lang yun kung seseryosohin niyo. ( Lol! XD )

"Uhhm. Luke, thanks pala dun sa binili mo ah? Hayaan mo pagnakapera ako ikaw na naman ang i-lilibre ko. Hehe" sabi ni Nomi. Mas lalo tuloy siyang gumaganda kapag nags-smile.

"Sure" sagot ko sa kanya.

Pumunta na kami dun sa field ng school. Dito ko talaga naiisipang mag relax kapag gusto kong magliwaliw lalo na kapag stress ako. Nakaka-relax kasi yung paligid.

Habang naglalakad kami papalapit dun sa ilalim ng puno ay biglang may tinawag si Nomi kaya napatingin naman ako dun sa tinawag niya.

"Chinchin! Francheska! Sharm!" sigaw niya dun sa dalawang bakla at isang babae na naka-upo sa bench. Napatingin yung tatlo sa direksyon namin ni Nomi. Trip ko lang talagang tawagin siyang Nomi instead of Naomi. It sounds cute for her.

"Gosh? Baby girl!" sigaw nung isang bakla at nagsitakbuhan sila papalapit samin.

"Gosh baby girl, we make punta-punta sa classroom kanina to call you para sumama ka samin but pagdating namin dun walang tao sa classroom. I thought talaga na nagseskembertush kana kung saan-saan at tsaka---- wait that's Nathan right?" sabi nung isang beki na kausap ni Nomi. Nagsikuhan naman yung babae at isang bakla.

"Aah oo. Nathan, bff's ko pala. Chinchin, Sharm, at Francheska .. girls, si Nathan" pakilala ni Nomi sa mga kaibigan niya.

"Hi! Nice to meet all of you" sabi ko at nagsmile sa kanila.

"Shyeet bakla, ang gwapo" bulong nung Francheska dun sa babaeng katabi niya na nagngangalang Sharm.

"B-boyfriend mo baby girl?" tanong nung isa na may pangalang Chinchin.

"Ano ka ba! Wag ka ngang magsalita nang ganyan, di ko siya boyfriend. Kung anu-ano nalang yang pumapasok sa isip mo" sabi ni Nomi sabay palo sa balikat nung Chinchin. Lihim naman akong napatawa sa naging reaksyon ni Nomi.

"Wala ba kayong gagawin? Sama nalang kayo samin ni Nomi, dito lang naman kami sa field. Tsaka may dala kaming pagkain" sabay taas ko nung supot na bitbit ko.

"Sure! *bulong* goshness, ditech lang pala tayo makakahanap ng papable. At si Nathan pa talaga. Omg di mapigilang kiligin ang aking bangs!" sabi ni Chinchin kay Sharm.

Naglakad na kami papalapit dun sa ilalim ng puno.

Nilapag ko na yung dalawang supot na may lamang snacks namin sa damo at umupo narin kami dun. Nagulat nalang ako nang biglang lumapit si Sharm na may dalang camera.

"Nathan, pwedeng pa picture?" nahiyang sabi niya.

"Oo naman" sagot ko.

"Mga bakla pwede daw! Dali!" sigaw ni Sharm dun sa dalawa niyang kaibigan. Tumabi na sila sa tabi ko. Pumulupot pa talaga sa braso ko yung Chinchin.

"Eh sino ang magpipicture satin?" tanong ni Sharm habang hawak yung camera.

Tumingin silang tatlo kay Nomi na naka-upo lang sa gilid at tinitingnan kami.

"Oo na, alam ko na ang mga tingin niyong yan" lumapit si Nomi at kinuha na yung cam.

"Smile!"

*flash*

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon