***********Chapter 27 - Realizations ***********
[ Naomi's POV ]
At last, naka-uwi narin ako ng bahay. Pakiramdam ko talaga kailangan kong matulog ng mahigit 24 hours dahil sa sobrang pagka-exhausted. Gusto ko ng isang araw na tulog! Pagod na pagod ako to the point na parang pati utak ko napapagod narin mag-isip. Nagmumukha na akong naglalakad na zombie.
Jusme,talagang pinaniwalaan ng Chuchu Friends na may relasyon kami ng Silver na iyon. Halos mag party na sila sa loob ng kotse ng daddy ni Sharm dahil sa sobrang ingay nila. Ako naman mukhang namatayan ang mukha sa buong biyahe.
Aish! Ano bang dapat kong desisyon? Accept or decline?
Nakasalubong kong si mama sa sala. Nagmano ako sa kanya pagkatapos ay walang-imik-imik na naglakad ulit.
"Anak, kumusta ang school mo?" rinig kong tanong ni mama. Lumingon ako sa kanya bago sumagot.
"Opo." sagot ko. Lumitaw sa pagmumukha ni mama ang nawiweirduhang ekspresyon. Napa-iling ito bago ako tinalikuran.
"Magpahinga ka na anak tapos kumain ka na rin." wika nito. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
Pumanhik na ako patungo sa kwarto ko at tinapon kung saan ang bag. Binagsak ko ang aking katawan sa aking oh-so-lambot na bed pagkatapos ay pumikit.
Nawa'y makatulog ako ng mahimbing pagkatapos ay magigising ako kinabukasan na wari ba ay bangungot lang ang lahat ng mga nangyari sa akin ngayong araw.
Yung tipong magandang araw ang sasalubong sa akin.
Yung parang dati na ini-enjoy ko lang yung araw ko.
Yung tipong walang kontrata.
Yung tipong walang Silver.
Sh*t! Bakit ba sa tuwing naiisip ko si Silver eh nabababadtrip ako?!
Naidilat ko ulit ang aking mga mata at napatitig sa kisame. Should I make agree nalang dun sa contract or I make dedma-dedma and tanggi dun? Ay naloka na, nahawa na talaga ako sa kaconyohan ni Chinchin.
Bumangon na ako at sinimulan ang aking mga ritwal. Naligo na ako pagkatapos ay nagsuot ng Simsimi printed na pajamas. I love Simsimi, ang cute niya kaya.
Umupo ako sa study table ko at pinagana yung blower. Pinatuyo ko muna yung buhok ko dahil ayaw ko namang matulog na may basang buhok. Matapos ang ilang minutong pagpapatuyo ng buhok ay sa wakas natapos na rin. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at talagang naaawa ako sa itsura ko. I look so pale tsaka mukha akong kinapusan ng dugo, mukhang walang buhay.
Napabuntong hininga ako bago naglakad papunta sa kama at binagsak ang sarili doon.
"Waaaaaa! Nakakainis na talaga!" dinampot ko yung unan ko sabay tapon dun sa pinto. Lumaki ang aking mga mata nang makita kong bumukas yung pinto at saktong tinamaan sa mukha ang loka-loka kong kapatid na si Lemon.
"Ateeee! Kakapasok ko lang ah?! Ano bang nagawa ko?!" inis nitong wika. Napaupo ako sa kama at napakamot ng ulo.
"Sorry! Eh ikaw naman kasi. Bakit ba hindi ka kumatok?!"
"Eh malay ko sa pinagagawa mo sa buhay mo dito!" wika nito. Pinulot nito yung pink kong unan na nakasalampak sa sahig pagkatapos ay tinapon niya pabalik sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Hinahamon niya ba ako ng pillow fight?!
"Ano bang kailangan mo at napunta ka dito? Wala akong dalang chocolate okay?! Kaya shupe, pabayaan mo na ako. Kailangan kong matulog ng mahimbing." sabi ko tsaka nagtalukbong ng kumot. Naramdaman kong umupo si Lemon sa gilid ng kama ko.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Novela JuvenilA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
