*********Chapter 28 - That Sticky Note***********
[ Naomi's POV]
"Okay, can anybody solve this problem?"
Geezz .. kinakabahan na ako. Hindi ko naman kasi masyadong naintindihan yung explaination ni Ms. Villar kanina. Ang hirap i-digest sa utak! Pambihira, lumabo sana mata ni ma'am kahit ngayon lang! Sana di niya ako makita!
Katahimikan ang pumanaig sa silid. Walang ni isa na nagvolunteer na sumagot dun sa nakakabobong tanong ni ma'am kaya malamang sa malamang ay pipili siya in random!
"Okay, I'll pick in random." lumaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Aish, ito na nga ba ang sinasabi ko.
Napatingin ako kay Ms. Villar at nakita ko itong tumitingin sa class record niya. Takte naman ito, naiintindihan ko naman yung ibang tinuturo ni Ms. Villar pero eto lang talaga yung nakakabobo masyado.
Nalipat ang paningin ko kay Chinchin nang tumagilid ito sa pag-upo. Pinagtuunan nito ng pansin ang bag niya. Hindi ko alam kung ano yung hinahanap niya at kung makapag-halukay ito sa bag niya ay kulang nalang pumasok na siya sa loob nito. Matanong nga ito, mukhang alam ata ang sagot eh.
"Chinchin, alam mo ba yung sagot?" tanong ko. Maninigurado na ako ng sagot keysa naman magmukha akong tanga mamaya dahil wala akong ma-isasagot!
"Gosh, baby girl. Masyadong pang-alien yung tanong niya! Hindi keri ng beauty ko." sagot nito habang naghahanap pa rin ng kung ano doon sa bag niya.
"Eh ano bang ginagawa mo diyan? bakit ba parang halos pasukin mo na yang bag mo?" tanong ko habang kunwari nagsosolve sa notebook ko. Mas mabuti na yung magkunwari kaming nagsosolve keysa mahuli kaming nag-uusap. Sa linaw ba naman ng mga mata ni Ms. Villar, tiyak huling-huli ka nito kapag magtatalak kayo sa loob ng klase niya. Isa iyan sa pinaka-aayawan niya, yung madaldal sa klase. Ms. Villar is our math teacher then that made me think .. bakit ba kapag math teacher may pagka-terror talaga? Tsk tsk.
"Huwag ka nang magtanong baby girl. Diskarte ko na ito para di matawag! Make your diskarte narin like me para di ka ma penpen di sarapen ni dragon!" sagot ni niya. Ewan ko lang kung paano makakatulong iyon upang hindi siya matawag ni Ms. Villar.
'Okay .. makikigaya nalang ako baka epektib.' wika ko sa aking isipan.
Tiningnan ko si Shane na nakaupo sa bandang kaliwa ng upuan namin ngunit nadatnan ko itong busy sa pagsosolve ng kung ano-ano sa papel niya. Kulang nalang mapunit yung papel dahil sa sobrang diin niya sa pagsusulat. I feel you Shane, hindi ka nag-iisa.
Binalik ko ang aking paningin sa notebook ko. Hinawakan ko na ulit ang aking ballpen pero kahit anong try ko sa pagsosolve ay hindi ko talaga makuha yung tamang sagot. Geez, this is a tough one. Kailangan ko talagang pag-aralan ito ng mabuti mamaya dahil kung hindi ay tiyak babagsak ako sa subject na ito.
Kanina ay may natawag na pala si dragon este Ms. Villar na dalawang estudyante pero hindi nila nakuha ang tamang solution. As punishment, Ms. Villar will give them a special task.
Ang task na ibibigay niya sa mga hindi nakasagot ng tama ay bibigyan ng isang excerise mula sa libro. Kapag may mali ka KAHIT ISA, uulit ka na naman hanggang sa maperfect mo. Tiresome, right? Kaya nga ayaw ko talagang matawag!
Naagaw ang atensyon ko sa katabi ko na bago lang nilapag yung ballpen niya sa desk. Napatingin ako sa notebook niya and I was shocked on what I have saw.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
