******Chapter 39 - Casanova******
[ Naomi's POV ]
On my way ako papuntang Celestine Academy with matching di mapinturang pagfefeslak ang nakalitaw sa aking pagmumukha.
Ang impaktang bakla kasi na si Chinchin hiniram yung libro ko sa trigo. Nakalimutan niyang isauli sa akin matapos niyang hiramin at ako namang tanga-tangang tinalo pa ang taong may alzheimer's disease sa sobrang makalimutin ay hindi na ako nag-atubiling kunin yung libro ko mula sa kanya.
At dahil may katangahan ring taglay si Chinchin eh naiwan niya raw sa mesa niya yung libro kaya may choice pa ba ako? Alangan naman mag summon powers pa ako para mag appear nalang bigla sa harap ko yung libro? Sad to say ako ay isang pangkaraniwang magandang babae lamang, hihihi!
Pag sinuswerte ka nga naman .. may reporting kasi akong gagawin na doon lamang sa impaktang libro makikita ito ay ayon sa aming pinakamamahal na terror teacher sa math. Kaya ayun, no choice ako kundi ang magtravel papuntang Celestine Academy upang kunin ang libro ko at ma-i hampas ko na sa pagmumukha ni Chinchin. Haleerr?! sayang sa pamasahe ano? Ako pa talaga ang nag effort na pumunta dito eh siya naman yung nanghiram! Ang dami pa kasing alam eh, may sakit raw yung aso niya kailangan ng intimate care. Eh kung pagbuhulin ko kaya sila?! Hmp!
Pero joke lang yun .. upang kunin yung libro at makapagsimula na akong gawin yung report ko para sa darating na Monday. Nga pala Saturday ngayon kaya no class. So ayun walang masyadong maiingay na students sa paligid, I can feel the essence ng salitang peaceful.
May matching pa pikit-pikit pa ako ng mata habang naglalakad sa hallway ng school. Langhap na langhap ko ang sariwang hangin na dumadampi rin sa aking pisngi.
Nakss, damang-dama ko talaga na tambak-tambak na swerte ang sasalubong sa akin ngayong araw.
"Hayy .. ang sariwa ng hangin!" kumento ko, oo kausap ko sarili ko malamang. Alangan naman kausapin ko yung mga puno dito?
"Talaga? Nalalasahan mo pala yung hangin?" napadilat ko ang aking mga mata at napalingon agad sa paki-alamerong nilalang na nasa tabi ko.
"Oo, gusto mo patikim ko sayo?" pilosopo kong sagot sa kanya. Lenshak naman, akala ko environment friendly ang school namin bakit may basurang nakakalat parin sa paligid?
"What a lame joke." poker face niyang sabi habang nakasabay parin sakin sa paglalakad. Ang kapal ng pagmumukha para sabayan ako sa paglalakad eh malaki naman yung daanan! Sinisira niya yung environment eh!
Imbes na patulan ko yung kahayupan niya ay binilisan ko nalang yung lakad ko at naglakad palayo sa kanya. Baka kasi ma contaminate ako sa kabwisitang taglay niya.
"Hey! How dare you to treat your master like that?" sigaw ni Silver. Para namang natigang ang aking tenga sa mga sinabi niya. Scratch that .. sa SINIGAW niya pala.
OO! SINIGAW NIYA ANG SINABI NIYA! UGH! ISANG PAHAMAK NA NILALANG!
Nagpalinga-linga agad ako sa paligid and good thing for me kasi walang tao, kami lang. Also good thing for him baka kasi di ako magdadalawang isip na ipatapon siya sa Tondo at ipa bugbog kina Asiong Salongga!
"Huh! Ang kapal." nai-bulong ko tuloy habang naglalakad pa rin ng mabilis. Aish! Ba't ba trip na trip niyang patayin ako sa inis? Pati magandang araw ko balak rin niyang sirain!
Nasiyahan na ako nang wala na akong marinig na ingay sa paligid. Akala ko nilubayan na ako ngunit hindi pa nga ako natapos sa aking pagdidiwang ay may kung sino na humawak sa braso ko. Agad akong napahinto ako sa paglalakad dahil doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/2559598-288-k917312.jpg)
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Novela JuvenilA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.