Chapter 12 - The New Leader Will Reign

335 9 0
                                        

*********Chapter 12 - The New Leader Will Reign*********




[ Naomi's POV ]

Matapos yung kabaliwang eksena ko sa field with Chuchu friends ay umuwi narin ako, pasado 4:35 na kasi. Malilintikan ako kay mama kapag late na akong umuwi ng bahay. Kaya ayun, nagpaalam na ako sa kanila.

Syempre dumaan muna ako dun sa baggage counter na kung saan ay iniwan namin yung tatlong supot ng grocery items na puro snacks lang ang laman, and take note bigay ni Luke. Naks, dapat bang sumama ako palagi kay Luke para makalibre ako? Hahaha, syempre joke lang yun noh. Ayaw ko naman maging kasing kapal yung encyclopedia sa bahay.

Matapos kong i-withdraw yung yung grocery ay lumabas na ako ng school at pumunta sa may waiting shed. Sheez, antagal ng jeep. Wala namang magandang nangyayari eh. Fastforward nalang tayo.

------------

Nakarating narin ako sa babaan ng jeep. Malayo-layo pa kasi yung bahay namin mula sa babaan ng jeep kaya ayun, walking down the street muna yung beauty ko.

Habang naglalakad ako ay napunta yung atensyon ko dun sa butas ng daan kung saan nagsimula ang delubyo sa pagitan namin ni Silver. Haaayyss, sana naman makalimutan na niya yun. Sumasakit yung tsan ko sa kakaisip eh!

Nakarating narin ako sa labas ng gate namin. Then nag ring a bell na ako.

*ding-dong*

Naghintay ako ng ilang sigundo at umaasang may magbubukas sa akin kaso sa kasamaang palad, WALA. Letse, bakit walang bumukas ng gate?! Asan na ba yung mga tao sa bahay?! Nag ring a bell uli ako ng maraming beses na halos magiba ko na yung doorbell sa kakapindot. Grabe, bingi ba silang lahat? Ba't walang nakapansin na may nag ring a bell sa labas?!

"Teka laaaaang!! Ang atat naman nito!" sigaw ng bruha kong kapatid na si Lemon.

"Bilisan mo Lemon! Nilalamok na ako dito! Mag-babandila na dahil sa sobrang tagal mo!" sigaw ko mula sa labas ng gate.

"Oo na! Teka lang okay?!" inis nitong sabi. Narinig ko na ang pangitngit ng bakal. Pagkabukas ng gate ay nakabusangot na mukha ni Lemon ang nadatnan ko.

"Oh? Ba't ang tagal mo naka-uwi? Saan ka galing? Wala pang saing? Asan yung ulam?" nakapamewang pa niyang sabi habang nakatayo sa pintuan ng gate.

Nakakaloka pa yung outfit niya, may curler pa yung buhok, may dalang pamaypay, at suot pa yung daster ni mama. Talagang ginaya pa niya si mama. Wow lang ha, hiyang hiya naman ako sa kapatid ko. Gandang magsalubong sa ate niya ah? Tinalo pa si mama, eh kung banggain ko kaya to para makadaan ako?

"Hoy Lemon, umalis ka nga diyan. Baka gusto mong itulak pa kita para maka-daan ako?" walang gana kong sabi sa bruha kong kapatid.

"Aba, sagutin mo muna ako bata ka. Saan ka ba ga---- uuyy! Ano yang dala mo? Tobleron ba yan?! Pahingi!" umaliwalas yung mukha ng kapatid ko na nakatingin sa supot na dala ko.

"Umalis ka diyan okay?! Di kasi ako makadaan. Grabe sobrang gaan lang nitong dala ko, huwag mo na akong tulungan ha?" pilosopo kong sabi sa kapatid ko.

"Aay sorry ate, ba't di ka nagtext? Akin na nga yan." hinablot niya yung isang supot na dala ko. Yung may laman pa talagang tobleron at iba pang chocolates yung kinuha niya. Napakaburaot talaga ng kapatid ko.

"Hoy ate? Saan to galing ha?" pang-uusisa niya matapos kong isara yung gate.

"Sa kaibigan ko" simple kong sagot.

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon