******Chapter 37 - Detention******
[ Naomi's POV ]
Hindi matanggal-tanggal sa isip ko ang imahe ni Rio. Dala-dala ko na ang cake na ginawa niya kahapon. At talagang pumunta pa ulit ako sa tambayan nila kanina para kunin lang ito. Geez Rio, honestly you owe me a lot.
Naglalakad na ako papuntang classroom namin. Mukha siguro akong zombie dahil nakatulala lang ako habang naglalakad. Kaya pala kanina ko pa napapansin ang nawiweirduhang tingin ng mga nakakasalubong ko.
Nako, tatanggapin kaya ito ni Shane? Tatanggapin niya kaya ito lalo na't si Rio ang may bigay? Hayy, paano kung hindi? Ayaw ko namang maging malungkot yung baliw na si Rio. Napakamot nalang ako sa ulo.
Dapat tanggapin ito ni Shane, kawawa kasi si Rio kapag di niya to tatanggapin. By hook or by crook, kailangang tanggapin ni Shane ito kahit ngayon lang. Tama! Aja! Kaya mo yan, Naomi! Silang dalawa naman ang makakabenifit eh. Magiging masaya si Rio tapos magiging malambot na ang puso ni Shane sa kung ano mang naranasan niya dati.
Sobrang saya pa naman ni Rio kahapon habang ginagawa niya itong cake. Nakakalungkot talagang isipin pag di man lang tatanggapin ni Shane yung pinaghirapan niya. *sigh*
Muntikan ko pang malampasan yung classroom namin. Buti nalang at nagising ang diwa ko nang marinig ko ang malakas na tawa ni Francheska. May malaking naitulong ata ang wagas na tawa ni Francheska ngayon sa akin. Pagpasok ko agad sa pintuan ng classroom namin ay agad akong sinalubong ni Chinchin na may dalang blush-on.
"Hello baby girl! OMG! sinong may birthday?!" sabi niya habang nakatingin sa box na hawak ko.
"Walang may birthday gaga, *bulong* bigay to ni Rio kay Shane!" sabi ko sa kanya habang nakalapit pa ang bibig sa kanyang tenga. Siyempre, bulong nga Naomi, diba? Lels, tama bang pilosopohin ang sarili? Hohoho!
"Oh may gash! talaga?! Awww, nakakaloka talaga itech! Nakakakilig." sabi niya with patalon talon pa tsaka halos mamulaklak na ang paligid nito dahil sa ngiti nitong abot hanggang tenga.
Kung makapagreact naman itong si Chinchin parang siya yung binigyan. *face palm*
"Asan si Shane?" tanong ko kay Chinchin bago tiningnan ang loob ng classroom. Sina Sharm at Francheska lang kasi ang nakikita kong nagseselfie dun sa upuan namin ni Silver, wala si Shane sa paligid.
Kung nagtatanong kayo kung nasaan yung world peace warrior slash silence addicted na si Silver, aba'y ewan ko. Wala rin siya sa loob tsaka wala rin naman akong pakialam kahit hindi ko na siya makita habambuhay.
#NaomiInSuperMegaHonestMode
"Nasa cr si Shane. Di naman siguro masamang pumasok ano? gusto mo diyan ka lang sa labas?" sabi ni Chinchin pagkatapos ay hinila na ako ng tuluyan papasok sa loob ng classroom namin.
Ang dalawang baliw na sina Francheska at Sharm, mukhang hindi ata napansin ang pagdating ko. Aliw na aliw ang nga ito sa pagkukuha ng selfie. Sige lang! Kapag tatanggapin ni Shane itong cake na dala ako ay talagang kasing laki ng butil ng bigas ang ilalaan ko sa inyo.
Ermm .. kung makapagtell naman ako parang akin yung cake, shame.
"Naomi! ano yan?" nagulat ako nang biglang sumulpot si Shane sa tabi ko. Muntikan ko nang mabitawan yun cake! Jusme, talagang mawawasak ang itsura nito sa oras na maibagsak ko ito sa sahig!
"Jusme naman Shane, huwag ka ngang manggulat." sabi ko habang sapo-sapo pa ang dibdib.
"Ay? Parang ngayon ko lang ginagawa yan sa iyo ah? Hahaha! Sorry Nomi, mukhang hindi bet ng katawan mong gulatin kita ngayon. Ano ba kasi yang hawak mo? cake?" nang matapos niyang sabihin ang salitang cake ang nagliwanag ang mukha nito. Hehehe, sana naman manatili ang ngiting iyan sa oras na malaman mong para sa iyo ito tsaka nanggaling sa pinakaka-iniiwasan mong tao, si Rio.
![](https://img.wattpad.com/cover/2559598-288-k917312.jpg)
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.