******Chapter 18 - Am I Making A Deal?*******
[ Naomi's POV ]
"Okay class, get your book in english communication then open it to page 123. I'm going to give a long quiz tomorrow so study that lesson. You still have 5 minutes before the class will end, so I hope you will use that remaining time in studying instead of making noise." wika ni Mrs. Rhea, siya yung tinatawag kong teacher ganda nung first day ko dito sa Celestine Academy.
"Yes ma'am" we answered in chorus.
Hinalungkat ko na yung bag pack ko upang kunin yung libro ko sa english. Tiningnan ko kung anong ginagawa ng katabi ko. Sa buong pag-aakala ko ay nakikinig ito kay ma'am at kumuha na ng libro, pero iba ang nasaksihan ko.
Wow ang sipag mag-aral ah? Wala naman siyang ginawa kundi ang magpa-ikot ikot ng ballpen sa mga daliri niya habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Hoy? wala ka bang planong mag-aral? English communication book daw, page 123. May long quiz bukas tungkol diyan." sabi ko.
Napatigil siya sa paglalaro ng ballpen niya. Shocks, baka susumpungin na naman ito. Bakit ba kasi napakapake-alamera ko? Ano naman ang pakealam ko kung trip niyang makakuha ng zero?!
Kinabahan ako nung lumingon siya sakin na naka-poker face, as usual. Himala na siguro kung may araw na naka smile itong damuhong ito. Nakita kong pinupukol niya ako ng napakalamig na tingin kaya iniwas ko na yung tingin ko sa kanya at binuksan nalang yung pabalat ng libro. Nakakatakot naman pala nitong katabi ko. Mukhang isang halimaw na ready nang manakmal.
"I have studied advance that book. No need for me to read it again." ani niya at binalik uli ang tingin sa bintana. Pina-ikot-ikot niya uli yung ballpen sa mga daliri niya.
"Okay." bulong ko at tinuon ang atensyon sa libro. Hmp! nahiya naman ako sa pagiging advance niya, Sige siya na matalino! Siya narin ang afford magkaroon ng tutor! Siya na! Push mo yan!
Napatingin naman ako sa ballpen na nilalaro niya sa mga daliri niya. Wow, pano kaya niya ginagawa yun? Ang galing ah.
Nakaramdam naman ako ng hiya sa ballpen niya, mukhang mamahalin ata. Eh yung akin nga mumurahin lang. Hindi ko talaga lubos maintindihan, aanhin pa ba ang mamahaling ballpen kung mauubos lang naman ang tinta nito sa kakasulat? Lalo na kapag sobrang sipag ng teacher sa pagpapasulat ng notes! .. Tsaka pareho lang naman lahat ng purpose ng ballpen noh, panulat! Okay lang sana kapag umaabot ng isang taon yung tinta ng mamahaling ballpen kahit kopyahin mo pa yung isang libro gamit ang ballpen na yun.
Ano ba naman yan, kung anu-ano nalang ang naiisip ko, ang daldal ko talaga.
Binalik ko nalang uli yung atensyon ko sa libro ko. Talagang nakaramdam ako ng inggit dun sa paglalaro niya, ang cool kasi niyang tingnan.
.
.
.
.
.
Hoy! wag kayong mag-isip ng kung ano diyan! Hindi si Silver ang sinasabihan kong cool okay? Yung ballpen!
Kahit nangangati na akong magpaturo sa kanya eh pinigilan ko nalang yung sarili ko. Baka kasi sasabihin niyang first requirement para matuto ako nun eh mamahaling ballpen. Requirement palang bagsak na ako. Hmp!
Still nasa loob parin ng classroom si Ma'am Rhea. Kahit sumasakit na yung ulo ko dahil sa kakaintindi ng mga alien language na nakasulat sa libro, still pinagtitiisan ko parin. Lakas rin ng trip ni ma'am ah, hindi pa nga namin alam tong lesson nato, magbibigay na agad ng quiz.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Novela JuvenilA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
