********Chapter 30 - The Devil's Trap ( Part 1 )*********
[ Naomi's POV ]
*Classroom - 10:45am*
Hindi ko na matandaan kung pang-ilang beses ko nang tinitingnan ang wrist watch ko ngayong araw. Kung sino-sino narin ang naririnig kong bumubuntong-hininga senyales ng pagkabagot. Tila isang lullaby ang boses ni sir Tuazon na siyang tumutulak sa amin upang matulog.
Bakit ba kasi ang tagal ng oras?! Nakaka-antok na talaga! Halos lahat ng kaklase ko inaantok na sa tinuturo ni sir. Napatingin ako sa mga kaklase ko at sa napapansin ko ay kanina rin pala silang tutok na tutok sa wrist watch nila.
Geez, sana naman mag 11am na para naman makapag-lunch na kami. Nagwawala na ang mga dinosaur ko sa tsan! Kailangan na nila ng PAGKAIN!
Dumaan ang ilang minuto ng katahimikan. Si sir lang ata ang naririnig kong nagsasalita. Aakalain mo talagang nakikinig kaming lahat sa klase pero sa totoo lang kung titingnan mo kami ngayon, halos lahat lumilipad ang isip.
My gaze fell upon the vacant sit beside me. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Silver. Aabsent na naman ba siya? May plano pa ba si Silver sa buhay niya? Panay na ata yung absent niya. Hmp, pake ko naman dun? Mas masaya nga ito eh. Mukhang nakalimutan na ata niya yung tungkol sa pagkakautang ko. Pangatlong araw na ito pero hindi na niya ako kinukulit pa tungkol sa contract namin. I think nakalimutan na niya ang tungkol doon, well maganda narin yun hahaha!
Tumingin ulit ako sa wrist watch ko at nang malaman ko na kung ano ang oras ay napangiti ako na para bang nakatanggap lang ng nakakakilig na text.
"Yes! 10:59 na!" bulong ko. Tumingin ako sa gawi ni Shane pagkatapos ay nakita ko itong nagtaas-baba ng kilay. I bet, parehas kami ng iniisip ni Shane ngayon. Ito ay ang nalalapit na dismissal.
Ilang segundo pa ay biglang umingay ang buong silid na wari ba ay kaka-anunsyo pa lang ng pagkawagi ng aming klase. Walang nagawa si sir kundi ang hayaan nalang ang mga kaklase kong gutom na gutom na at parang aso na gusto nang kumawala sa hawla.
"Baby girl! Sabay na tayong mag-lunch! Si Sir kasi make utos-utos kina Sharm kaya mauna na muna tayo. So gorabelss!" wika ni Chinchin. Kinabit ko na yung strap ng bag ko pagkatapos ay sabay na kaming naglakad papuntang pintuan ng silid.
Saktong paglabas pa lang ng classroom namin ay nahagip na agad ng aking mga mata si Ven. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong kakaiba ang titig nito sa akin. Ewan ko lang pero hindi ko maipagkakaila na nakakatakot siyang tingnan! Mukha siyang snatcher na kanina pa ako inaabangan! Sus, kung hindi ko lang siya kilala tsaka dagdag narin yung pagiging gwapo niya ay tiyak na masasabi kong may masama itong balak sa akin!
"Hoy!" napa-awang ang bibig ko nang sumigaw ito. Pansin ko pang nakatingin ito sa akin kaya sigurado akong ako ang tinatawag niya. Langya! Anong 'hoy'?! May pangalan ako damuho ka!
Maging ang mga estudyante sa paligid ay naagawan niya ng atensyon. Nang makita nila kung saan siya nakatingin ay talagang nakaramdam ako ng hiya. Mula kay Ven, napunta ang tingin nila sa akin.
Leche ka Ven. Talagang kakalbuhin kita sa oras na humupa ang mga estudyante dito!
"Chinchin? Tapos ka na bang mag-retouch diyan? Halos maubos na yang blush-on mo sa kakagamit oh!" sabi ko kay Chinchin. Nakaupo ito sa bench na nakalagay sa gilid ng hallway samantalang ako ay nakatayo lang malapit sa kanya.
"Wait lang girl, hindi pa tapos ang diyosa." sagot nito habang kinukulayan parin ang kanyang mga pisngi.
Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga nalang. Tumingin ako sa paligid, buti nalang at hindi na nakatingin sa akin ang mga estudyante. Linipat ko ang aking paningin sa gawi ni Ven, nakasandal parin ito sa pader katabi ng pintuan ng silid namin. Kanina pa rin pala ito nakatingin sa akin kaya nang mapatingin ako sa kanya ay nagkasalubong agad ang aming mga paningin.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Ficção AdolescenteA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
