Chapter 16 - The Clash of Three Hearts Begins?

326 10 3
                                        

**********Chapter 16 - The Clash of Three Hearts .. Begins?***********

[ Naomi's POV ]

Pumunta na kami ng classroom para kunin na yung mga gamit namin. Pasado alas kwatro na kasi, alam niyo naman .. yari ako kay mama kapag late akong uuwi. Tsaka excited na akong makita uli si kuya mamaya! Yeeee!

"Hay nako nakakapagod. Promise, tulog mantika ako hanggang bukas kaya paniguradong late ako." sabi ni Francheska.

*ring* *ring* *ring*

Biglang may nagring na cellphone. Nalaman namin na kay Shane pala iyon dahil sa ringtone nito. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa pagkatapos ay sinagot yung tawag.

"Hello, dad? .. yeah .. I'm still here sa classroom .. ngayon na? Dad naman eh .. okay, I'll be there. Bye, dad." bumakas sa mukha ni Shane ang lungkot pagkatapos nung tawag.

"Oh? Ba't ganyan ang fezz mo?" tanong ni Chinchin kay Shane. Umupo ito sa isang silya.

"Pssh! Si dad kasi eh .. pinapa-uwi na ako, urgent daw." nanlulumong sagot ni Shane. Kilala bilang business man ang daddy ni Shane kaya panigurado ay tungkol sa business nila ang dahilan kung bakit siya pinapauwi.

"Okay lang yan. Umuwi ka na, Shane. Alam mo naman yung dad mo, kapag urgent dapat nandun ka na talaga." ani Sharm.

"Sige guys. Una na ako sa inyo ha? Babush .. Nao sayo na muna yang dress ko ah?"

"Okay. Thanks pala sa pagpapahiram, Shane." pagpapasalamat ko dun sa dress na pinahiram niya sa akin.

"Oh sure. No problem, girl." nakipag beso beso na si Shane samin at umalis na. Kaming apat nalang ang natira sa silid. Sina Chinchin, Francheska, Shane, Sharm, at ako nalang. Umuwi narin yung mga kaklase ko matapos nung mini concert ng 'The Ecstasy'. For sure gumala na ang mga yun kung saan-saan.

"Tara gora na tayo. It's getting late na." wika ni Chinchin nang matapos na kaming makapag-ayos ng mga gamit.

------------

Palabas na kami ng campus nang biglang may humintong napakaluxury na kotse malapit samin, nasilaw ako sa sobrang kintab! Bumukas yung window ng kotse at may late 30's na babae ang tumambad samin.

"Christian! Hop in! Uwi na tayo. Ikaw narin Frederick pinapauwi ka na ng mom mo, hali na kayong dalawa." saad nung magandang babae. Kaya pala may kamukha siya, mother dear pala ni Chinchin. ( INFO: friendships po ang mga mother pearl nila Francheska at Chinchin ;) )

"Mom! I'm still having a bonding with my friends!" pagmamaktol ni Chinchin. Hindi parin ito natinag sa kinatatayuan namin.

"No buts, hop-in or else kakaladkarin ko kayong dalawa ni Frederick papasok ng kotse." pananakot ng mother dear ni Chinchin. Napabuntong hininga si Chinchin bago ito humarap sa amin.

"Kainis! Sige girls, we have to go na. Sorry talaga, ha? Baka di na ako makakapasok ng bahay mamaya. Babush girls." paalam ni Chinchin sa amin.

"Sige ako narin, girls. Sasama nalang rin ako." paalam narin ni Francheska. Nakipag beso beso na silang dalawa sa amin. Matapos nilang magpaalam ay umandar na palayo ang kotse at naiwan kaming dalawa ni Sharm.

Okay, kaming dalawa nalang ni Sharm ang natira. Pakiramdam ko tuloy ako nalang ang matitira dito paglipas ng ilang minuto. Tsk.

"Paano na yan, Nao. Tayo nalang ang natira," ani nito.

"Hey girls? Hindi pa ba kayo uuwi?" sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita. Ito ay ang guro namin sa english, si Mrs. Reyes.

"Hi po ma'am." bati naming dalawa sa gurong nasa harapan namin.

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon