*******Chapter 3 - Nathan Luke Yu*******
[ Note: Partially Edited ]
[ Naomi's POV ]
"Maaaa!" sigaw ko mula sa kwarto. Asan naba yung kapareha ng lucky medyas ko!? Pahamak talaga, ilang minuto nalang mags-start na yung klase. Actually second day na ng pasukan ngayon, ngayon pa ako papasok kasi marami pa raw aasikasuhin bago ako makakapasok. Ayyy anu ba yan! Naisipan ko pang magdaldal eh quotang quota na nga ako!?
"Oh ano!?" sigaw ni mama mula sa baba. Uso talaga sa amin ang sigawan, hayaan mo masasanay ka rin.
"Asan na ba yung kapareha ng lucky sock ko!? Dito lang yun sa cabinet eh!"
"Anong lucky sock!? Ahh! Yun bang puting medyas na madalang mo lang gamitin? Nandun sa kwarto ng kapatid mo, sinabit niya sa bintana baka raw dadating si Santa. Nasobrahan na naman yun sa kakapanood ng christmas cartoon movies."
napa-poker face ako dahil sa sagot ni mama.
May saltik talaga yung kapatid ko. Ano akala niya ngayon? Pasko?
Pumasok na ako sa kwarto niya at nakita ko ngang nakasabit ang aking lucky sock sa bintana niya. Aba! Medyas ko pa talaga ang napagtripan!?
Kinuha ko na yung medyas at narinig ko ang papalapit na boses ng kapatid ko, pati kalabog ng pagpanhik ng hagdan ay dinig na dinig ko.
"Ateeeeeee! Huwag! Di pa yan nalalagyan ni Santa ng candy! Alam mo bang tatlong araw na akong naghihintay na lagyan niya yan!"
sigaw nito nang mabuksan na niya yung pinto ng kwarto niya. Hingal na hingal pa ito na nakakapit sa bukana ng kanyang silid.
"Ano na naman ba nakain mo ha? Ginagawa lang yan tuwing pasko!"
sagot ko sa kanya. Jusme naman, dapat talaga hindi na ito pinapanuod ng tv araw-araw dahil kung ano-ano na yung nabubuo sa utak niya!
"Oo alam ko! Baka kasi mapadaan siya eh! Mas mabuti na lagi akong handa!"
gusto kong sabunutan yung kapatid ko kaso hindi ko na tinuloy. Mag-iingay na naman kasi ito at makakatikim ako ng instant pingot ni mama.
"Ay nako tigilan mo ako sa diyan sa kabaliwan mo. Tumabi ka nga, malelate na ako." palibhasa kasi mamaya pa yung klase.
"Ate naman eh! Hmp! Medyas ko nalang nga ang gagamitin ko,"
anito. Hindi ko na pinatulan pa ang kabaliwan niya. Late na ako! I hate bad impression from my instructors!
Dali-dali kong sinuot yung medyas. May hatid talagang swerte sa akin ang medyas na ito kaya hinanap ko talaga siya.
Bumaba na ako dala yung bag pack ko. Ewan, di ko talaga trip mag suot ng shoulder bag. Di ako hiyang magsuot nun eh. Alam mo yung sasakit yung kabilang balikat mo kaya i-lilipat mo na naman sa kabilang balikat yung shoulder bag at kapag sasakit na naman yung pinaglipatan mong balikat eh ililipat mo na naman sa kabila. Naiinis akong magdala ng ganun.
Grade 12 na ako this year. 1 year nalang at magcocollege na ako. Umupo ako sa sofa at tumabi kay mama.
"Ma, ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko habang sinusuot ang aking sapatos.
Busy kasi ito sa kakasulat doon sa notebook niya.
"Ah, ito ba? Mga ingredients para sa gagawin kong dessert mamaya." wika nito pagkatapos ay nginitian ako. Mahilig kasing gumawa ng desserts yung mama ko. Tsaka nagbibenta rin kami sa mga kapitbahay namin para naman makapag-ipon ng pera. Minsan kasi may di inaasahang gastusin kaya malaking tulong itong raket namin ni mama.
"Sige ma, alis na po ako. Love you ma!" hi-nug ko si mama at kiniss ko pisngi niya.
"Love you too anak" hinalikan naman niya ako sa noo. Love na love ko talaga mama ko. Kung nandito lang sana si papa, kaso sa hindi inaasahang pagkakataon naghiwalay sila ni papa. Matapos magbuntis ni mama kay Lemon, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina papa kaya naging dahilan ito ng awayan nila.
Ayaw ko nang ikwento ulit yung dahilan na nalaman ko dahil ayaw ko nang ipa-ulit-ulit pa yun sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
