Chapter 15 - The Reincarnation of ECSTASY ( Part 2 )

294 7 2
                                    

*********Chapter 15 - The Reincarnation of ECSTASY ( Part 2 )********




[ Naomi's POV ]

Nakarating narin kami ng bar dala yung mga tarpaulin and other props namin para sa gaganaping live band ng Ecstasy mamaya.

Grabe, ang bongga talaga ng school na'to, may bar pa talaga. Bongga na yung ginamit kong term kasi nakakasawa na yung sosyal. Chus.

"Dali girls dito tayo." aya ni Francheska. Lumapit kami dun sa table na hindi masyadong kalayuan mula sa stage, sakto lang. Nasa gilid kasi ng bar yung mga table at may malawak ng space sa gitna. Siguro sinadya talaga yan para malayang makapagwala ang mga estudyante dito mamaya. Mwahaha.

"Ayan. Ang ganda ng view natin! Chinchin i-ready mo na yung mga bonggang props natin." utos ni Francheska kay Chinchin. Nilabas na nila yung mga naglalakihang props. I felt pity dun sa mga taong nasa likuran namin. Rinig na rinig ko yung reklamo ng ilan kaso ayaw patinag ng kampon ko.

Marami na talagang tao dito sa bar at sobrang ingay na'rin. May nagchichika here, may naglalaugh there, at siyempre di mawawala ang mga nagseselfie.

"Mic test mic test." yung kaninang maingay na paligid ang biglang tumahimik.

"Gosh girls! Magsisimula na!" excited na sabi ni Sharm.

"Hello Celestine Academyyyy!!" sigaw nung babaeng magiging emcee ata.

"Kyaaaaaaaaaaa!!" sigaw ng mga babae sa paligid, pati ang Chuchu friends naki sabay na rin.

"Are we all excited to see our Ecstasy agaaainnn?!!" sigaw nung emcee na wagas yung energy.

"Yeeeeeeessssss!!! Kyaaaaaaaa!!" famous tili ng mga girls.

"I can't hear youuuu?!!!"

"Yeeeeeeessss!!!" sigaw uli ng mga babae sa bar. Grabe mabibingi na ata ako dahil sa sobrang ingay!

"Now ... Do you wan't to know guys kung sino ang bagong leader ng Ecstasy??!!!" full of energy na sabi nung emcee.

"Yeeeeeeess!!! Kyaaaaaaaa!!!"

"Sino sa tingin niyo ang bagong leader ng Ecstasy?! Let me hear your bet guyss!!"

Bet #1: "Si papa Silveeeeeer!!!" sigaw nung ibang babae.

Bet #2: "Si papa Nathan yaaaaan!!"

Bet #3: "Si hottie Ven yan for sure!!!"

Bet #4: "Si Shawn yan!!"

Bet #5: "I know it's Rio!!"

Bet #6: "Si Prince ang nararamdaman kong maging bagong leader!!"

Bet #7: "Hoy mga echusera!! Si Silver my loves ang magiging bagong leader ng Ecstasy!! Nakipagchat ako kay Madam Auring kagabi!!" sigaw nung bakla na malapit sa stage.

Bet #8: "Echusera ka rin!! Sabi ni Simsimi si Nathan ang magiging bagong leader!!" oppose nung isang bakla dun sa isa.

Sari-sari ang bet ng mga girls at pa'girls sa bar.

"Okay!! .. hindi na ako magpapa ligoy-ligoy pa .. LET'S WELCOME OUR HOOOOOOTTTT NEW LEADER NG ECSTASY ..... *drum rolles*"

Grabeng kaba na talaga ang naramdaman ko. Grabe? Ba't ganito ang emotions ko ngayon?! I felt excited!! Nakakahawa naman kasi ang mga babae sa paligid ng bar!

Si Chinchin kulang nalang na magkalasog lasog na yung panyo niya dahil sa pagkagat-kagat nito. Sina Sharm at Francheska ay naghawak kamay pa, akala mo naman sumali sa isang contest. Si Sharm naman ay di na kinaya ang thrill kaya uminom pa ng juice.

No Chaos No Love ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon