******Chapter 17 - Mark My Next Two Words********
( A/N: Guiz? May 2nd copy pala ang story nato ( hindi po ito sequel ha? XD ), yung copy po kasi na yun ay rated G at PG na siya so pwede na siyang ma search agad kapag e-sesearch niyo sa wattpad di gaya ng Original copy na ito, naka Restricted kasi ito eh kaya mahirap hanapin. Mas maganda na yung 2nd copy nito kasi madali na siyang mahanap :) .. hinihingi ko po ang supporta niyo para supportahan yung 2nd copy ng No Chaos No Love .. gusto ko lang po sana na dun na kayo magbasa .. dun na po ako mag-uupdate ng susunod na kabanata tsaka i-popost ko lang yung Chapter 18 dun kapag nalampasan na ng 2nd copy ng No Chaos No Love ang mga votes, reads, and comments ng original na copy na ito, pero kung di talaga aabot agad, okay lang po . Maguupdate nalang po ako pero mas maganda sana kung mas tumaas yung rating nung 2nd copy keysa dito .. I really need your help guys, ibubura ko na po ang copy na ito kapag nalampasan na nung 2nd copy ang mga votes, comments, and reads dito .. I really need your support guys! Nahihirapan kasi akong mag-update kasi dalawa yung copy, naguguluhan narin ako minsan .. nakalagay po sa external link sa gilid yung 2nd copy ng Payment For Her Debt, kapag di niyo makita kindly visit my watty account nalang po .. Salamat po talaga ng marami :) .. ---Miss. Polar Light <3 )
[ Naomi's POV ]
Pumasok na ako ng bahay nang maglaho na sa aking paningin ang bulto ni Lemon. Sa pagkakarinig ko kanina may picture raw siyang kuha sa akin kasama si Luke. Yari na ako kay mama nito. Kainis talaga yung batang yun.
"Ma! Ma! Tingnan mo tong picture sa cp ko! May kasamang lalaki si ate kanina! Hinatid siya pauwi!" rinig kong sigaw ng kapatid ko. Sige, isigaw mo pa Lemon. Mapapahiya ka rin naman.
Hinubad ko muna yung cute na doll shoes na hiniram ko kay Shane bago tuluyang pumasok ng bahay.
"Asan? Patingin nga." napabuntong-hininga ako nang makita kong sumilip si mama sa cell phone ni Lemon.
"Eto, ma. Kita mo yan, ma? Malakas ang kutob ko na boypren niya yan." buong kasiguraduhan niyang wika. Poker faced akong nakatingin sa mag-ina.
Umupo na ako sa kabilang sofa at hinubad ko na yung bag ko.
"Aba .. kay gwapong lalaki naman ito. Sino ba ito anak?" tanong ni mama habang tinitingnan yung picture na nasa cellphone ni Lemon. Ewan ko lang kung pano naging malinaw yung picture sa cellphone niya, eh ang dilim na sa labas. Iba talaga kapag Watty ang brand ng cellphone lalong lalo na kapag Fiction ang model hahaha.
"Yan po yung sinasabi kong kaibigan ko, si Luke." nagmano muna ako kay mama bago sumandal ng prente sa sofa.
"Yung nagbigay sayo ng grocery? Aba'y kaygwapong bata naman, pag pwede ka nang magboypren hahanapin ko talaga ito para sayo." saad niya. Hay naku, may kung anong sumasanib na naman kay mama. Binalik nito ang tingin sa akin at napansin kong siniyasat nito ang suot ko.
"Oh? Ba't nakabihis ka? Saan ka ba galing bata ka?! Di ka ba pumasok?!" hestirikal na sabi ni mama. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ma, pumapasok ako noh." pagtatanggi ko. Si mama talaga may pagka-advance mag-isip, tsk.
"Aba'y bakit ganyan ang suot mo? Ahh alam ko na, galing kayo ng date nung kaibigan mo kaya hinatid ka pauwi."
"Ma, kung anu-ano nalang ang pinagsasabi mo .. hiniram ko to dun sa kaibigan kong si Shane, yung kinukwento ko sayo? May program kasi kanina kaya pinahiram niya ako, sabi naman niya na ibalik ko nalang bukas kaya di ko muna hinubad." pagpapaliwanag ko kay mama.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
