Chapter 38 - Rio's Bestfriend

194 6 0
                                        

******Chapter 38 - Rio's Bestfriend******



[ Naomi's POV ]

Nakatingala lang ako sa labas ng music and arts building. Mga ilang minuto narin akong nakaganito at di na ako magtataka kung may mga tao na ring napapatingala sa direksyon kung saan ako nakatingin tapos iisipin nilang nababaliw na ako kasi wala namang interesting na bagay sa gusali.

Aish! Bakit ba kasi ang daming tao! Ang hirap naman maghanap ng tamang tiyempo!

Bahala na nga. Papasok nalang ako sa tambayan nila kapag wala ng tao sa hallway nila.

Pumasok na ako sa building. Pumanhik na ako sa hagdan at tumungo papuntang 4th floor. Hindi kasi pwedeng may makaalam na pumupunta ako sa band room ng Ecstasy tsaka ayaw ko rin namang ma issue noh. Magiging hot topic ako kapag may makahuli sa akin na pumapasok sa tambayan nila. Instant celebrity ako pag kumalat ang balitang iyon.

Upon entering the building, honestly it feels like I'm dragging myself to hell. I am starting to hate this place simula nung nagkakilala na kami ni Silver.

Geez!? Bakit ba puro nalang si Silver ang nasa utak ko!? Maryosep naman, Naomi .. huwag mo na ngang iniisip ang lalaking iyon. Nadadagdagan lang ang mga kasalanan mo dahil puro masasamang bagay lang ang dumadapo sa utak mo kapag naiisip mo ang Pilak na iyon.

Nang makarating na ako sa hallway ng 4th floor ay pumunta na ako dun sa harapan ng tambayan nila. Buti nalag at ilan-ilan lang ang mga estudyante dito. Umakting na muna ako na parang tumitingin sa mga taong dumadaan sa school grounds.

Tingin ulit sa hallway to make sure na walang tao tapos balik ang tingin sa ibaba ng building kapag meron.

NAKAKAPAGOD ANG PINANGGAGAWA KO SA BUHAY NGAYON!

Nang masigurado ko nang wala nang mga estudyante ay lumapit na ako sa pintuan ng tambayan nila. Ngayon ko lang napansin na may nakalagay palang 'Official Room For Ecstasy. Only authorized persons are allowed to enter.' sa labas ng tambayan nila. Wow ha, may CCTV camera pa talaga dito sa labas. Wagas maka-celebrity itong mga halimaw na ito.

Base sa mga naririnig ko ( esp. sa Chuchu Friends ) itong tambayan nila ay dating music room. Since may bago nang mas malaking silid ang music room, kaya siguro ibinigay nalang sa Ecstasy ang silid na ito. Ecstasy engaged the field of music naman so okay lang na manatili sila dito.

*ring* *ring* *ring*

Tiningnan ko yung cellphone ko. Unknown number na naman? Tinitigan ko yung number at para sa akin ay hindi na ito yung number ni Silver. Sinagot ko na yung tawag kasi baka importanteng tawag pala yun gaya ng 'nahulog si Silver sa canal' o di kaya ay 'nabagsakan siya ng paso na nagmumula pa sa 3rd floor'.

MWAHAHAHAHA, such an evil thought of mine. Agad kong inalis ang ngiting demonyo ko nang pumasok sa isip ko na nagmumukha akong baliw sa ginawa ko.

Sa susunod na ako magpipiyesta kapag nangyari na iyon sa kanya.

"Hello?" bungad ko.

"Lomi! si Rio ito!" si Rio pala. Ay buti at naisipan niyang tawagan ako. Wala pa naman akong load kayo mahihirapan akong kontakin siya.

#taghirap

"Oh? ikaw pala .. asan ka na ba?! nandito na ako sa tapat ng tambayan niyo." sabi ko. Sinulyapan ko yung bitbit kong supot na may lamang tupper ware na may lamang cupcake. Tiyak kung nasaan man siya ngayon ay kakaripas yun ng takbo sa oras na malaman niya kung ano ang dala ko.

Kung ibenta ko kaya kay Rio itong cupcake na gawa ni Shane? Each cupcake will cost 100 pesos since RK naman siya so bawal ang discount. 6 cupcake ang kinuha kong cupcake mula kay Shane so 100X6 is equal to 600! Geez! Ganoon lang pala ka daling yumaman? Mehehehe!

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon