*******Chapter 31 - To Like and To Dislike*******
[ Naomi's POV ]
NAKAKAINIS!
Dahil sa tindi ng galit ko ay hindi ako nagdadalawang-isip na sipain ang mga batong walang kasalanan na aking nakikita sa daan. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin ng mga nakakakita sa akin, ang sa akin lang ay galit ako! May galit at inis ako sa damuhong Silver na iyon! Kasing kahulugan talaga ng pangalang Silver ang salitang kamalasan! Grrrrrr.
Napahinto ako sa paglalakad nang may kung sino ang tumakip ng mga mata ko. Biglang lumitaw sa isipan ko ang taong may malakas na loob na gawin ito sa akin.
"Shane, wala ako sa mood okay?" hindi man lang natinag yung tumakip ng mga mata ko. Si Shane ba talaga ito?
"Shane, tanggalin mo nga yang mga kamay mo. Wala ako sa mood ngayon, nangangain ako ng tao pag wala ako sa mood." still no response. Hinawakan ko na yung kamay na nakatakip sa mata ko. Eh? di naman to kamay ni Shane eh. Alam ko na talaga yung kamay ni Shane. Memoryado ko na yung hugis ng kamay niya since siya lang naman yung gumagawa ng ganito sa akin. Ewan ko lang kung ano ang trip niya sa buhay.
"Sino to?" sabi ko. Pilit kong tinanggal yung kamay niya na nakatakip sa mga mata ko pero sobrang lakas niya.
Kidnap ba ito? kung kidnapper siya bakit hindi man lang niya ako binuhat o kinaladkad man lang? Bagong modus?! Maging gentle sa pag-kikidnap? Uhh .. posible ba iyon?
"Ano ba?! di na ako natutuwa ha!" inis na inis na talaga ako. Sino ba itong walanghiya na ito?! Ang lakas ng loob niya para galitin pa ako ng sobra ha! Ugh!
Kumunot ang noo ko nang maamoy ko yung pabango nung taong nasa likuran ko. Teka lang .. alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng ganitong perfume!
"Luke?" utal ko. Inalis na nung tao na nasa likuran ko yung kamay niya sa mga mata ko.
"Hahahahaha! nakakatuwa ka talaga!" napalingon ako sa likuran ko at tama nga ang hinala ko, si Luke pala yung kanina pa nantitrip sa akin. So ano? Dalawa na silang may malakas ang loob na pagtripan ako?
"Alam mo nakakainis ka. Akala ko na tuloy kung sino." inis kong wika. Kung may pagka-paranoid lang siguro ako hindi malabong kanina pa ako nagsisigaw dahil sa takot.
Nagsalubong ang dalawa kong kilay nang tumigil ito sa pagtawa. Ngumiti ito sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
Eish! bakit ba ang cute cute ng lalaking ito? lalong sumisingkit yung chinito niyang mga mata! Don't tell me kpop fan ang isang 'to?
"Huwag ka ngang nagpapa-cute diyan, hindi ka cute." sabi ko bago ko siya tinalikuran. Nagsimula na akong lakarin ang daan papuntang building namin.
"Weh? Talaga? Hindi ako cute? So nagsisinungaling sa akin yung mga members ng fanpage na ginawa para sa akin?" napatigil ako sa paglalakad bago napatingin sa kanya.
"Fanpage? So sikat ka pala?" natatawa kong tanong. Totoo naman talagang sikat si Luke, gusto ko lang talaga siyang inisin hahaha.
"Hindi naman sa ganoon .. pwede ba huwag kang tumawa. Hindi naman ako ang may gawa ng fanpage na yun. Sina Sunshine ang may pakana nun." paliwanag nito. Tumigil na ako sa pagtawa dahil baka mainis na ito ng tuluyan sa akin. Pero seriously, ang cute niya talaga. Mas lalo rin siyang naging cute kapag nahihiya.
"Hoy? Wala ka bang klase ngayon?" tanong ko. Nagsimula na kaming maglakad kasabay ang mga estudyante sa paligid. Maganda ang panahon ngayon, badtrip lang kanina dahil sa Pilak na iyon! Hmp! Huwag mo na ngang isipin pa ang taong iyon, Naomi. Masisira lang yung mood mo!
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
