Chapter 25 - The Contract

263 6 0
                                        

*********Chapter 25 - The Contract**********




[ Naomi's POV ]

Di nagtagal ay naramdaman ko nang bumabagal na yung takbo ng motorsiklo. Parang magpapark na ata kami. Binuksan ko yung mga mata ko nang maramdaman kong huminto na yung motor.

"Hey, get off. We're here." wika ni Silver pagkatapos ay tinanggal niya yung helmet niya. Naalala kong nakayakap parin pala ako sa kanya kaya napabitiw ako bigla. Baka sabihin niyang nag-eenjoy akong niyayakap siya noh. Asa siya!

Bumaba ako sa motorsiklo at tinanggal na rin yung helmet. Tiningnan ko yung paligid at hindi ko inexpect na pupunta pala kami dito.

Ba't nasa tapat kami ng coffee shop?

Napatingin ako sa kamay ko and I found out na nanginginig pa rin pala ako. Grabe, hanggang ngayon ay ramdam ko pa yung malakas na hampas ng hangin sa aking balat habang nakasakay sa killer motorcycle ni Silver. This guy really have guts to scare me off!

"Ano bang gagawin natin dito? magpapa-libre ka ba? nako pasensya ka na kasi hindi ko pa ma babayaran yung utang ko sayo . Tsaka, haleerr? Hindi ko kerebels ang mga tinda rito! ginto! sobrang mahal! sige next time nalang." sabi ko at naglakad paalis. Bigla niyang hinablot ang braso ko at kinaladkad ako papasok ng coffee shop.

"Aray! Hoy Silver! wala nga akong pera! Di ko kaya ang mga tinda dito! Kung gusto mo ng libre, doon tayo sa kanto. Ililibre kita ng kwek kwek at gulaman!" Silver remained silent as if he is a mute. Hindi man lang ako sinagot, the nerve.

Patuloy parin siya sa pagkaladkad sa akin hanggang makarating kami sa tapat ng vacant na table.

Tila wala siyang narinig sa mga reklamo ko. Nabigla nalang ako nang bigla-bigla ay pina-upo niya ako sa isang silya. Bastos talaga, ipinagtulakan pa ako para maka-upo! Hindi ba pwedeng ako nalang yung magkukusang uupo?!

Kunot noo ko siyang tiningnan nang makaupo na siya ng maayos sa upuan niya which is katapat ng upuan ko. Gusto niya ba talaga ng libre? Eh limampong piso lang naman ang laman ng wallet ko ngayon! Kukunan ko pa ito ng pamasahe, kukunan ko pa ng pambili ng makakain kapag maglalakad na ako papuntang bahay namin.

Siguro mga 20 nalang ang matitira sakin. Anong mabibili sa twenty pesos mo? Oo nga pala, ba't ko ba nakalimutan ..

Ipag-corneto ko nalang kaya siya?

Kinuha niya yung menu at tumingin-tingin na doon. Langya, ni hindi ko nga maibigay yung perang kailangan niya, gusto pa niya ng libre!

"Stop staring at me as if I am a rare specimen. Anong purpose ng menu kung ako lang naman ang titingnan mo? You can steal glances on me but not that obvious as what you did." sabi niya habang seryosong tumingin parin sa menu na hawak niya.

Ang kapal talaga. Eh kung ihampas ko kaya sa kanya itong isang menu?!

Napairap nalang ako sa sinabi niya. Nilagay ko ang aking mga kamay sa mesa bago siya kinausap.

"Wala akong pera. Tubig lang ang mabibili ko dito," di ko parin kinuha yung menu. Baka kasi masilaw ako pagtitingnan ko na yung mga presyo.

"Choose anything on the menu. I will be the one to pay." aniya. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Libre mo? Talaga lang ha .. baka naman pagkatapos nito tatakas ka tapos ako pagbabayarin mo." puno ng pagdududa ko siyang tiningnan.

"Stop thinking of those stuffs okay? I'm not like you, tumatakas." ouch lang ha. Tagos to the bones naman yun! Yor soo harthsss! Inismiran ko nalang siya at kinuha yung menu.

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon