****Chapter 56 - Diyosang Chinchin****
[ NOTE: Partially Edited ]
[ Naomi's POV ]
Umaga pa lang nakaramdam na agad ako ng hilo. Na para bang may kung anong gumulo sa sikmura ko at gusto kong sumuka. Na para bang nagkaroon ng lindol at kulang nalang ay humiwalay yung utak ko mula sa bungo ko.
"Yey! Yey! It's another day! Another day to play! Yey!" narinig kong sigaw ng kung sinong bata. Teka kailan pa nagkaroon ng bata sa bahay namin? Tsaka imposible naman kung si Lemon to eh hindi naman cute yung boses nun, ever. Bruha kaya boses nun!
Naimulat ko yung mga mata ko at nakahinga ako ng mabuti nang makita kong bata lang pala ang dahilan nun. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nag-indian sit sa kama. It's Akihiro whose jumping in enthusiasm.
"Yey! The lady is now awake! Yey!" napatingin naman ako kay Silver na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa tv. Nasa kandungan pa nito ang isang bowl ng cereals. Nalipat yung tingin ni Silver sa akin na para bang ngayon lang nakakita ng babae. Chus! Feeling ko tuloy ang ganda ng itsura ko ngayon, wagas kung makatingin sakin e.
"Ano?" tanong ko.
"Wala" sagot niya.
Grabe naman to. Wala man lang 'Good morning!' eish! ang damot talaga. Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Kaya pala iba yung tingin na ibinibigay ni Silver sa akin kanina. Kasi naman yung buhok ko sabog na para bang hindi nakatikim ng suklay ng isang buwan.
Ngayon ko pa naalala, ni toothbrush wala talaga akong nadala. Kasalanan talaga ni Silver ang lahat ng 'to. Isa talaga siyang kamalasan, nahawaan na siguro ako e .. hayss. Naagaw ang aking paningin sa isang toothbrush na kanina pa kumakaway sa akin. Nag-alinlangan naman akong kunin yun kasi halatang bago pa ito at hindi pa nabubuksan. Duh! Ayaw ko rin namang gumamit ng toothbrush na ginamit ni Silver ano! Mahawaan pa ako ng rabies nun.
Kinuha ko yung toothbrush ( na kulay blue pa talaga ) at binuksan yung lalagyan. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng toothpaste yung sipilyo. Nagsimula na akong magtoothbrush nang biglang bumukas yung pinto.
"ashskskijskhzkajkahhfh!" sabi ko. Kumunot naman yung noo ni Silver dahil dun sa sinabi ko. Tumabi siya sakin at humarap din dun sa salamin. Nagmumog ako at tiningnan yung repleksyon niya sa salamin.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong ko. Gumanti rin naman siya ng tingin sa akin dun sa salamin.
"Banyo ko to, ba't naman ako kakatok? Tsaka kasalanan mo rin naman, hindi ka kasi marunong mag-lock ng pinto" sagot niya. Lumaki naman yung mata niya nang makita niya yung sipilyo na ginamit ko.
"Ba't mo ginamit yan?!" singhal niya. Di na ako natakot sa singhal niya. Ikaw ba naman makatanggap ng singhal sa kanya 4 times a week, tingnan lang natin kung di na ma-immune yung tenga mo.
Bumalik ako sa pagsipilyo at agad naman ako nakaramdam ng takot nang makita kong tinutunaw na niya ako ng kanyang masamang tingin. Immune na ako sa singhal niya pero yung death glare hindi pa. Geez, kulang nalang bugahan ako ng apoy eh. Nagmumog ako at kinuha yung lalagyan ng toothbrush.
"Okay, ibabalik ko na po" wika ko at nilinisan ko yung toothbrush bago nilagay sa lalagyan.
"Wag na, may bacteria mo na yan. Akin na nga yung isa" inirapan ko siya dahil dun sa sinabi niya. Kung gaano kaarte yung dalawang bakla na sina Chinchin at Francheska, hindi naman pahuhuli tong unggoy na 'to. Bakla siguro to eh, ayaw lang magtell.
"Inuutusan mo ba ako?" pa-siga kong sabi.
"Oo"
"Okay" wala akong ibang choice kundi ang sundin ang kumag. Kinuha ko yung isa pang toothbrush na kulay blue with matching stripes na white. Pati narin yung toothpaste sinali ko narin kasi alam ko na uutusan na naman niya ako para dun. Gampanan ng bongga ang pagiging alalay!
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.