*******Chapter 9 - The Other Side of Luke*******
[ Naomi's POV ]
Naglakad na ako palayo sa classroom namin. May kamag anak kasi ni Sisa sa loob, ayoko naman mahawaan.
Naglalakad ako sa hallway habang may hinahanap sa bulsa ng coat ko ( alam niyo yung dalawang bulsa na nasa ibabang parte ng coat ( coat ba tawag nun o blazer? XD ) ng uniform? Basta yun, di ko alam kung anong exact na tawag dun. Tanong niyo nalang kay Kumareng Google. Bwahaha XD .. tingnan niyo nalang yung pic sa side, ganyan yung uniform nila ;) .. i don't own any of the pictures, credits sa may ari .. si Tae Jun my loves lang ang may naka uniform na pic eh, nakahanap nga ako kay Shin Yeong pero hindi naman siya naka coat .. sayang di ako makahanap ng pic ni hubby Chi Hoon na naka uniform *sad face* XD )
"Sheez .. asan na ba yung wallet ko?" sabi ko habang nakatungo parin.
Naiwan ko ata sa bag. Pusang gala naman, babalik pa ba ako dun? Tumalikod na ako at naghakbang pabalik ng classroom. Ngunit huminto na naman ako.
Sheezz, wag na nga lang. Maiinis lang ako kasi nandun si Pilak. Pffft.
Tumalikod na uli ako at sa kasamaang palad ay may nabangga akong pader este tao pala.
"Aray! Sorry." sabay pa naming sabi. Tumingala ako upang makita ang pagmumukha ng nakabangga ko. Nahiya naman kasi ako sa tangkad niya, hanggang balikat lang ata ako. Okay fine! Ako na ang pinagkaitan ng height! ( natamaan si author. Hahaha XD. Pa epal )
"Luke!" "Nomi" sabay uli kaming nagsalita. Napatawa kami sa kabaliwang ginawa namin.
"Teka lang ha. Ako muna ang magsasalita." sabi ko.
"Napadaan ka dito ah? San ang punta mo?" tanong ko.
"Papunta sana ako ng library eh. Ikaw?" sagot niya.
"Ewan, di ko rin alam eh. Hindi ko pa naman masyadong kabisado ang school na'to. Papunta ka ng library? Sige samahan nalang kita, hindi pa kasi ako nakakapunta dun." sabi ko.
"Naku wag na, matutulog lang naman ako dun eh. Wala kasing klase mamaya, nakakabagot. hehe." sagot ni Luke.
Tulog na naman? Trending ba talaga ang pagtulog ngayon? Hindi malabong magpinsan nga sila ni Silver.
"Ooh .. *bulong* uso ba talaga sa inyong magkakaibigan ang matulog ngayon?" pabulong kong sabi.
"Hmm? Di kita marinig."
"Ahh nevermind. Hahaha." sabi ko habang winagayway ang kamay ko sa harap.
"So wala naman tayong klase mamaya, gusto mo samahan mo ako sa field? Magandang magrelax dun" sabi niya. Shocks! Nakakasilaw ang smile mo! At dahil wala akong ibang ginagawa eh sasama nalang ako.
"Okay!." pagsang-ayon ko.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong ang sama na ng tingin ng mga babae sa paligid. Anong problema nila? Eh kung dukutin ko kaya eyeballs nila. Hmp! Mga inggetera. Kaya pala kanina ko pa nafifeel na parang may papaslang na ata sakin.
"Tara, punta muna tayo ng convenience store. Bili muna tayo ng makakain natin pagdating sa field" sabi niya at hinatak na ako paalis. Sa wrist ko lang siya nakahawak okay? Wag kayong ilusyunada. Well, nanghihinayang parin naman ang malanding thought ko, sayang bakit sa wrist lang? Sana sa kamay nalang. Hmp!
At dahil fictional nga ang istoryang ito ay lulubos lubusin na talaga ng author ang paglalagay ng mga exaggerated na bagay, gaya ngayon may convenience store sa loob ng academy nila. Kahit impossible, gagawin parin ng author na maging posible. Bwahaha.

BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Novela JuvenilA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.