********Chapter 30 - The Devil's Trap ( Part 2 )********
[ Silver's POV ]
Tsk, ang tagal naman ng babaeng iyon. Ilang oras na akong nakatambay sa loob ng kotse ko pero wala parin akong makitang Naomi sa paligid. Boredom slowly kills me right now.
Napatingin ako doon sa wallet niya na binigay sa akin ni Rio. Magkaklase raw kami kaya ako na raw ang magsauli. What a lame excuse, talagang tinamaan lang siya ng katamaran.
G*go yun ah, inuutusan pa talaga ako ng gunggong! Bagot kong kinuha yung wallet ni Nayomi mula sa upuan na nasa tabi ng driver's seat.
Tiningnan ko ang disenyo nito. Tss, mahilig pala siya sa mga pusa?
Binuksan ko na yung wallet niya. Tiningnan ko kung ilan yung pera niya at nagbabakasakali na nakaipon na siya ng pambayad sa akin. Plano ko sanang kunin kung meron para naman makapagbayad man lang siya sa akin kahit katiting lang.
Napakamot nalang ako ng ulo nang makita ko ang laman ng wallet niya.
Limampong piso?! The heck?! ano naman ang mabibili nito?! Tiningnan ko pa yung ibang lalagyan ng wallet niya kaso nadismaya ako sa nakita ko. Tsk, piso? Nanghihinayang akong kunin yung pera, namumulubi nga talaga yung lampa at tatanga-tanga.
Isasara ko na sana yung wallet niya kaso napatigil ako nang madako yung paningin ko doon sa picture sa gilid. Tinanggal ko ito mula sa wallet pagkatapos ay napaman kong tatlo pala yung picture.
Yung isa family picture niya. Nadako ang paningin ko doon sa lalaking katabi niya.
May kuya pala si lampa? Tsaka may nakita rin akong batang babae, nasa grade school pa ata ito. Geez, she really looks like Naomi and because of that it creeps me out. Dalawang Naomi ang nabubuhay sa mundo? Tsk tsk, ang malas naman nun. Teka lang, eto yata yung batang babae na sumagot sa tawag ko kagabi. Ginawa pa akong tagapagbayad ng mga libro niya, tsk tsk.
Napatingin ako doon sa ikalawang picture. Picture niya ito kasama yung maiingay niyang kaibigan. Ano nga yun? Chichi Friends? Chacha? Ah! Chuchu Friends. Tss, weird group name, ang baduy.
Tiningnan ko yung huling picture. It's Naomi hugging a huge teddy bear. Nakasmile siya sa picture habang yakap ng mahigpit yung malaking oso.
Hindi ko na namalayan na napatitig na pala ako doon sa picture kaya nagulat ako nang mag ring yung cellphone ko. P*ny*ta, nagulat ako dahil doon.
Kinuha ko na yung earpiece pagkatapos ay nilagay ito sa tenga ko.
"Yes?"
"Dude, si Ven to."
"Nasabihan mo na ba? Langya, bakit ba ang tagal? Kanina pa ako nakatunganga dito, t*ng*na." wika ko habang binabalik yung mga picture sa loob ng wallet ni Nayomi. Sinunod ko pa yung pagkakasunod ng mga picture para di niya malaman na pinakialaman ko yung wallet niya.
Ipapasok ko na sana yung huling picture kaso hindi ko ito nahawakan ng maayos kaya nahulog. Yung picture pa ata na may hawak siyang malaking oso. Pambihira! Pati picture niya may pagka-lampa.
"Hay nako, ang sakit sa tenga ng mga mura mo. Oo, parating na siya diyan."
"Wala ba siyang kasama?" yumuko ako para kunin yung picture. Ngunit sumakit nalang ang likod ko ay hindi ko parin ito mahanap. Takte, bakit nawala?!
"Oo, sinigurado ko talaga." wika ni Ven.
"Okay, good. Kapag hindi yun nakarating dito, both of you are dead." inayos ko na yung pagkaka-upo ko. Hayaan na nga yun, ba't pag-aaksayahan ko pa ng oras ang paghahanap para lang doon? Not so important thing.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Fiksi RemajaA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
