******Chapter 57 - Accusation******
A/N: 3 more chapters to go at magtatapos na ang librong ito :/ .. ma mimiss ko ang tambalang SilMi at NaMi TT_____TT
Dedicated to her :) .. enjoy reading!
[ Naomi's POV ]
"You can't, you're kuya Silver's girlfriend"
Napanganga akong nakatingin kay Aki. Narinig kong tumikhim si Silver kaya agad kong nasara ang nakaawang kong bibig.
"G-ganyan lang talaga yan. Kapag may babae kaming bisita, he will call it as my girlfriend. Kasi nga kaibigan ko raw na babae so he call it as girl-friend" sabi niya. Napatango naman ako pagkatapos ay napatawa ng saglit.
"Okay .. s-so uhhmm .. tita nalang yung tawag mo sakin, okay?" wika ko. Tumango naman ang bata pagkatapos ay pinunasan ang luha niya. Binuhat ko siya upang pumunta sa balcony nang malibang ko siya sandali ngunit agad kong naalala si Silver. Hinarap ko muna siya sandali upang magpaalam. Naabutan ko naman siyang nagkakamot ng batok.
"Uhh .. Silver! Punta muna kami dun sa balcony ha?" paalam ko.
"Ahh oo, magluluto na muna ng breakfast natin" sabi niya pagkatapos ay tumungo dun sa kitchen.
Nasapo ko yung noo ko. Sheems! Ba't ginawa kong big deal yun? Argghh!!
"Tita, are you okay?" napatingin ako kay Aki nang magsalita ito. Tumango ako at ngumiti.
"Yeap, tara dun tayo sa balcony. Maganda yung view dun" nang makarating na kami sa balcony ay agad akong napangiti nang maramdaman ko ang malamig at preskong hangin na dumampi sa balat ko.
"Look tita! There's a fat cat over there!" masigla niyang wika at agad na tinuro yung pusa na nasa balcony ng bahay na katapat ng bahay nina Silver. Nakita ko naman doon yung matabang pusa. Kulay puti ito at natutulog sa isang upuan.
"Yeah, he's so cute" kumento ko. Nakita ko namang masayang nakatingin doon sa pusa si Aki kaya binaba ko ito at pinaupo sa upuan.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Fiksi RemajaA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
