****Chapter 44 - Stinky Thought!****
Current Status: Partially Edited
[ Naomi's POV ]
"Girl, hindi matutunaw yung blackboard kapag tititigan mo lang yan habambuhay" wika ni Francheska habang nagbabasa ng libro. Hindi ko inexpect na mahilig rin palang magbasa ng libro ang bakla, akala ko puro pagpapaganda lang ang inaatupag.
Wala akong buhay na lumingon sa kanya, bumuntong hininga ako at nagsalita.
"Hindi ako kumportable sa mangyayari mamaya" sabi ko. Napaangat ang tingin ni Francheska sakin. Carrying his fierce look.
"Gaga! Ang swerte mo nga at nakagrupo mo yung dalawang pogi ng academy eh. Choosy ka pa ganern?"
"Hindi ako choosy, okay? Yeah that's it .. ka grupo ko nga yung dalawang pinagkaguguluhan dito sa academy. So do you think that is nice? Ngayon pa nagsink-in sa utak ko na hindi pala ligtas na kasama ko silang dalawa. Parang di malabong may lilipad na kutsilyo sa likod ko anytime, anywhere. Marami pa namang inggeterang frogs sa paligid. Anyway, okay lang naman kahit kunin nila si Silver but I can't afford Luke to be taken away from me." sabi ko pagkatapos ay ngumiti. Nagtaka ako nang tumahimik sandali ang paligid kaya tiningnan ko si Francheska. Kanina pa pala ito nakatingin sa akin. Yung tinging naweweirduhan sa akin.
"Are you okay? I catched something interesting on what you have said." sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"What?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Sinasapian na naman ata ito ng kashungahan.
"Do you like Luke?" lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ano? What made you think that? Friend ko lang yun, nothing more nothing less." ani ko.
"Ows? It's seems like not. Iba yung ngiti na nasilayan ko kanina tsaka yung mga pinagsasabi mo iba rin. You just spilled something you should not supposed to say, my dear." wika niya bago tinuon ang sarili sa librong binabasa niya.
Geez, did I really said something fishy?
Paglipas ng ilang sandali ay naging malinaw na sa akin yung tinutukoy niya. Oo pinaglaanan ko talaga yun ng oras. Ako kasi yung tipo ng tao na ayaw palampasin ang isang bagay na hindi malinaw sa akin .. chos hahaha!
"Hoy hindi ko gusto si Luke." agad kong nasambit, out of the blue.
"May sinabi ba ako?" anya. Acting blind pa ang gaga eh halata namang yun ang pinapahiwatig niya kanina.
Anong problema dun? Anong problema kung gusto kong ipamigay si Silver at mas gugustuhing kasama si Luke? Eish! Mga tao talaga, lahat nalang binibigyan ng meaning.
Okay, crush ko nga si Luke pero doon lang naman. Nothing more nothing less. Hanga lang talaga ako sa kanya. Hindi naman kasi ako abnormal kaya normal lang na mabighani ako sa mga taong mababait gaya ni Luke.
"Pwede ba Francheska, huwag mo akong matitigan ng ganyan. Nakakakilabot yang tingin mo." ani ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Yung tingin niya kasi parang ginigisa ako na i-reverse yung sinabi ko.
Siyempre ayaw ko pa namang sabihin ang crush thingy ko kay Luke. Hindi pa naman ganun ka official eh. Hindi pa ganun ka romantic kaya there is no reason to share it to my Chuchu darlings. Baka mag-assume pa sila tapos false alarm lang pala yung feelings ko. Masakit pa naman mag-assume hahaha!
"Haleerr!? You're so ewan. May message ba dun sa tingin kong yun? Bakit ba ayaw mong aminin na gusto mo si Luke? Abnormal ka ba? Halos lahat na sa Chuchu Friends alam ko kung sino yung mga love of my life nila tapos ikaw hindi. You are soooo unfair." anito sabay pinag-krus ang kamay sa dibdib.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Fiksi RemajaA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
