**********Chapter 23 - Silver's Hidden Side********
[ Naomi's POV ]
Nakoo .. ano ba ang gagawin ko?!
Di ko talaga inexpect ang pagdating niya ngayon. Akala ko kasi absent siya kasi hindi siya pumasok kanina. Saan kaya siya galing? Bakit ba kasi naisipan niya pang pumasok?! ugh!
Bakit ba dumating pa siya? sana hindi nalang!
Di ko na alam ang gagawin ko kaya taranta akong nagtago sa ilalim ng desk.
"Girls! itago niyo ako! bilis!" sabi ko habang nasa ilalim ng desk.
"Huh? bakit? ano bang trip mo at nagtatago ka diyan ha?" pagtatakang tanong ni Francheska.
"B-basta! pag may nagtanong kung nasaan ako, sabihin mo wala ako o mag-isip ka nalang ng kahit anong alibi." sabi ko at nagmukmok sa ilalim. Sobrang bilis ng pintig ng puso dahil sa kaba. Sioami, dinaig ko pa ang may krimen na pinasok nito!
May nakita na akong naglalakad papalapit sa amin. Takte naman, si Silver na talaga ito! Kaya tinakpan ko na ang bibig ko upang maiwasang makalikha ng ingay.
"Excuse me, where's Naomi?" tanong ni Silver. Kilala ko na talaga yung boses niya, ang cold kasi! tinalo pa ang yelo sa sobrang cold!
"Ha? aahh .. s-she's .. *bulong* girls! ano ang i-sasagot ko?!" naguguluhang tanong ni Chinchin.
*face palm* Gaga! ang tanga talaga ni Chinchin! Wala naman akong narinig na nagturo kay Chinchin o sumagot man lang kay Silver.
"S-she's .. she's making her way ... to the rainbow," sagot ni Chinchin.
What?! Anong klaseng sagot yun?! parang gusto kong sakalin si Chinchin ngayon! Jusme, nangangati na akong batukan si Chinchin!
Kaya dahil sa inis ko ay sinuntok ko yung binti ni Chinchin para matauhan man lang sa katangahang sinagot niya.
"Ouch!" daing niya.
"Hey, I'm not making fun around. Where's Nayomi?" naiinip na tanong uli ni Silver.
"Uhhmm .. s-she's making her way sa library." sagot ni Francheska. Buti naman at matino na ang naisagot nila. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa naisip nilang sagot.
"Tss," nakita kong papaalis na ata si Silver. Ngunit mali ang inakala ko. Bumulaga sakin ang mukha ni Silver na siyang ikinabilog ng mga mata ko.
"Hey? what are you doing? alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" sabi ni Silver habang nakasquat para makasilip sa ilalim ng desk na pinagtataguan ko.
"Uyy! Silver ikaw pala yan! hahaha," sabi ko at tumatawa pa. Nagmumukha na akong timang.
Aish! gusto ko na talagang makaalis!
"Stop doing nonsense, umalis ka na diyan. Pinatawag ka ni Mrs. Torres, punta ka raw ng office niya." saad niya.
"A-anong oras?" tanong ko habang nasa ilalim parin.
"NOW." with authority niyang sagot. Parang alam ko na talaga ang totoong pakay nito. Nanlumo akong lumabas sa ilalim ng mesa.
Nakatayo parin siya sa gilid habang hinihintay ako. Gosh .. binabalot na naman ako ng kaba ngayon! Bakit ba kasi nagkautang pa ako sa kumag na'to! kainis!
Kinuha ko na yung bagpack ko.
"Girls? punta na muna ako kay Mrs. Torres ha? balik ako dito kapag tapos na." wika ko nang madampot ko na yung bag ko.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Fiksi RemajaA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
