Chapter 11 - The Conference

317 10 0
                                        

*******Chapter 11 - The Conference*******




[ Silver's POV ]

Naglalakad na ako ngayon papuntang tambayan. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung ano yung pag-uusapan namin. Pero malakas ang kutob ko na ang pag-uusapan namin sa meeting ngayon ay ang pagbabalik ng Ecstasy sa ere ng Celestine Academy.

Ilang hakbang nalang ay tanaw ko na ang tambayan. Tanaw ko sa labas sina Shawn. Pumanhik na ako papuntang fourth floor ng building na kung saan nandoon yung tambayan namin.

"Where's Mr. Chen?" tanong ko.

"Wala pa siya. Pero tumawag na siya samin na papunta na raw siya dito" sagot ni Rio sakin.

"Tol? Nakita mo ba si Nathan at Prince?" tanong ni Ven.

"Hindi. Ba't di niyo tawagan?"

"Sinubukan na naming tawagan kaso ayaw sagutin eh, tinext namin wala namang reply si Nathan. Si Prince lang yung nagreply, papunta na raw siya dito" sabi ni Ven. Sumandal ito sa railings na nasa tabi niya.

"Hintayin nalang natin. Teka, ba't nandito kayo sa labas?" tanong ko.

"Baka kasi maka-magnet kami ng chickababes, pero kanina pa kami dito wala namang dumadaan eh" wika ni Ven. Kahit kailan may pagkababaero talaga tong bugok nato.

"Malamang kumalat na ang balita ngayon tungkol dito, baka busy na ang mga yun sa pagkakalat" sagot ko.

"Kainis naman. Tara na nga, pasok na tayo" sabi ni Ven at pumasok na sa tambayan namin. Sumunod narin kami.

Yung tambayan namin ay practice area namin noong buhay pa yung banda. Ngayong nawala yung banda sa ere, naging tambayan nalang namin. Dito kami tumatambay kapag walang klase o gusto naming magkita-kita. Parang bahay narin ito. May kusina, may sofa, at may mga appliances narin. Kung iisipin parang pangatlong bahay na namin ito.

Umupo na kami sa sofa at binuhay ni Shawn ang tv.

"Teka lang Silver. Ba't di ka nagdala ng makakain natin?" tanong ni Rio nang maka-upo na si Shawn sa tabi niya.

"Paking tape. May plano ka ba talagang ubusin ang pera ko huh?! Bumili ka kung gusto mo" sabi ko sabay bato nung throw pillow sa mukha niya. Ayun nasapol naman.

"Aray! Wag mo ngang gawin yun brad. Baka kasi ubos na yung pagkain sa fridge eh. Baka abutin tayo nang tagutom. Pano nalang ang future ko kasama si Shane?" sabi niya. Hindi ko nalang pinansin, ina-atake na naman kasi ng kabaliwan.

I glanced the storage room ng mga instruments namin. Sa wakas at magagamit narin namin yung mga instruments namin na halos magdadalawang taon na atang nakatambay lang dun. Good thing I'm still fond of playing electric guitar and other instruments, tumutugtog parin kasi ako sa bahay due to boredom, pampalipas oras kumbaga. Napatingin ako sa wristwatch ko.

"2:32 na ah, asan na ba si Nathan at Prince? Tawagan niyo nga" utos ko sa kanila. Asan na naman ba nagsusuot yung mga bugok na yun?

"Teka lang, si Nathan na muna yung uunahin ko, kanina pa yun walang reply eh" sabi ni Ven at nilabas na yung cellphone niya at nagdial. Pagka-ilang segundo ay sinagot na ata ni Nathan ang tawag.

"Nathan! Asan ka ba?" sabi ni Ven.

"Sa wakas at sinagot narin ng baliw" sabi ni Shawn.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Nagtawag ng meeting si Mr. Chen, pag-uusapan daw nating yung nahintong banda natin" - Ven.

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon