Chapter 48 - A Box of Jealousy

185 8 0
                                        

****Chapter 48 - A Box of Jealousy****


[ Note: Partially Edited ]



[ Naomi's POV ]

"What are you guys doing?" he asked.

"Nagtatawanan?" sagot ko. Yes, it might sound sarcastic but I'm just only answered him honestly.

"Oh tama na yan. I can smell war. Sige na magsi-uwian na nga kayo." natatawang wika nung nurse na kakapasok lang.

"Tita naman tinataboy mo ata kami." natatawang sagot ni Luke sa nurse. Tanging kay Silver lamang nakapako ang paningin ko. Nakita kong umupo si Silver doon sa couch at sa tingin ko naglalaro na ito ng kung ano sa cellphone niya.

"Hala sige umuwi na kayo at may nagseselos na." naalis yung tingin ni Silver doon sa cell phone niya. Napatingin ito sa nurse at halatang masama ang tinging binabato nito.

"Ang sabi ko umuwi na kayo at nagseselos na iyong mga magulang niyo sakin. Bakit ba kasi nandito parin kayo? Hahaha." wika nung nurse. I think may communication na nagaganap between miss nurse and Silver na hindi namin makuhang alamin ni Luke.

--------------

Lumabas na kami ng Celestine Academy. Nagpa-iwan si nurse Laine kasi mamaya pa raw yung uwi niya.

May kinakausap si Luke sa cellphone niya kaya umupo muna kami sa bench na malapit sa parking lot. Napatingin ako kay Pilak na nasa kabilang bench. Hindi pa ako nakakapag-thank you sa pagtulong niya sa akin kanina. He helped me a lot simula pa noong nagkalagnat ako. He managed to send me away sa clinic bago pa ako mamatay hohoho. Tsk, paano ko ba kakausapin ang isang ito?

Lumipat ako ng upo doon sa upuan ni Silver. As usual may nakasaksak na namang earphone doon sa magkabila niyang tenga kaya nahihirapan akong maghanap ng magandang tiyempo na makipag-usap sa kanya. Nasesense ko kasi na may aura siyang 'don't ever disturb me'.

"Uhh .. Silver, thank you pala sa pagtulong mo sa akin tsaka pati narin sa pagbuhat mo sakin papunta sa clinic. Hehehe nakakahiya, ang bigat ko pa naman," matawa-tawa kong sabi habang nakatingin doon sa nakasway back and forth kong mga paa.

"Good thing you know. It's a relief that I survived carrying a pig in a distance away from the clinic. Sa tingin ko magkaka-muscle pain ako bukas o mamaya."

.

.

.

WHAT THE HELL

He is really a damn jerk guy who could easily convert my happy mood to an annoyed one. Kahit kailan ubod talaga siya ng kasungitan, EVER! Well, buti naririnig niya ako kahit may nakasaksak sa tenga niya but I think mas gugustuhin ko pang makatanggap ng katahimikan mula sa kanya kumpara dun sa nakakabuwisit niyang sagot.

I didn't give any sign of being pissed. Pinalampas ko nalang ang kahayupan niya since I owed him a lot today. Pagkaraan ng ilang sigundo ay inalis na nito yung earphones bago ako tiningnan.

"I can hear your deep sigh na parang gusto mong suminga ng sipon. Are you annoyed or what?"

"Nag te-thank you na nga yung tao, sinusungitan mo. Pinaglihi ka siguro sa sama ng loob ano?" parang gusto ko nang bumalik doon sa upuan ko kanina dahil mukhang nainis ko ata ang gustong mapag-isang oso.

"Uhh, ahahaha! Joke!" bawi ko doon sa sinabi ko. Feeling ko mamamatay ako sa talim ng tingin niya. He's an expert of giving death glares, I swear.

"Kunin mo, alam kong bubuti ang pakiramdam mo dito." napatingin ako doon sa kahong inabot niya sa akin. May kulay pula itong ribbon. Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon