******Chapter 36 - Serving That Oh-So-Called Master ( Part 2 )******
[ Naomi's POV ]
Tapos na kaming magbake ng strawberry cake. Mayaman yung fridge nila ng strawberry eh. Siya talaga yung gumagawa, ako yung nagsisilbing guide niya. Gusto niyang siya mismo yung gumawa para may pagmamahal raw niya yung cake. Ewan ko sa lalaking to, ang weird.
Nilagyan ko na ng strawberry sa gitna yung cake.
"Ang ganda! Thanks Lomi!" aakma sana siya ng yakap sakin kaya pinrotektahan ko agad yung sarili ko.
"Hep hep .. your welcome" sabi ko.
"Ayaw mo ng hug?" sabi niya habang nakaspread parin yung arms niya na nakaharap sakin.
"Ayoko, thanks" sabi ko at sumubo ng cookies na ginawa rin namin. Baka kasi dumating yung mga baliw baka mapagtripan nila yung ginawa naming cake.
"Okay next time nalang" sabi niya. Umupo naman siya sa steel na chair sa tabi ko. Kumuha rin siya ng cookies at sumubo.
"Ang sarap, ang galing mo pala magbake" sabi niya.
"Syempre naman, mana ako sa mother dear ko" sabi ko. Bwahaha, humble ko talaga.
"Pero alam mo, pagmatikman mo yung gawa ni Shane. Nako, mas masarap pa yung bake niya" sabi ko. Talagang hanga ako sa mga binibake ni Shane, masarap talaga eh. Talbog yung gawa ko. Hahaha
"Talaga?! Gusto ko sanang tikman yung gawa niya"
"Wag kang mag-alala, maglalaan ako para sayo kapag may ipapatikim siya samin" sabi ko at nagwink ako sa kanya.
"Yes! Salamat Lomi! *spread ng arms*"
"Hep hep! Wala nga sabing hug"
"Ah-eh sorry, hahaha. Di ko lang talaga mapigilan yung sarili ko" sabi niya.
"Pag yung mga baliw ang yayakapin mo, di ba sila nagagalit?" tanong ko.
"Hmm .. minsan, pero nasanay na ata sila sakin eh. Hahaha"
"Hahaha .. oo nga naman, matagal na nga naman kayong magkakilala" naalala ko naman bigla si Luke.
"Asan nga pala si Luke?" tanong ko.
"Ahh, ewan di ko alam. Bakit? crush mo si Nathan?" sabi niya sakin na may nakakalokong ngiti.
"Hindi noh, masama na bang magtanong?" bwisit talaga. Di nalang sana ako nagtanong.
"Ahh nga pala Lomi .. uhhmm, may request sana ako sayo? pwede ba?"
"Ano?"
"Since hindi ko naman kayang ibigay sa kanya ng harapan yung cake, pwede ikaw nalang magbigay mamaya?"
"Sige na nga, pero bukas nalang. Umuwi na sila eh, nagtext sila sakin kani kanina lang"
"Ahh ganun ba, sige! .. Thank you talaga Lomi!" hindi ko namalayan na yumakap pala siya bigla sakin. Pambihira tong lalaking to.
"Oo na, wag mo nga akong yakapin" sabi ko at pilit na kumakalas sa kanya.
---------
"Sige Naomi una na kami! Pakibantay nalang si Silver ah? Malalim ata yung tulog" paalam ni Shawn.
"Okay" sabi ko habang nagwawalis ng sahig sa sala nila. Lulubos lubusin ko na para wala na siyang mai-uutos sakin mamaya.
"Bye Naomi!" sabay nilang paalam.
"Bye!" paalam ko at winagayway ko yung kamay ko.
Haayy nako, ang tahimik na ng paligid. Hanggang ngayon pala suot ko pa rin yung apron. Mukha na talaga akong yaya nito.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.