****Chapter 47 - A Box of Happiness****
[ Note: Partially Edited ]
[ Naomi's POV ]
Ilang distansya nalang ang aming layo mula sa clinic. Medyo may kadiliman na sa labas kasi nga mag gagabi na sa mga oras na ito. Actually, si Silver naman talaga ang may kasalanan kung bakit kami tinagal ng ganito sa school. Sinira kasi ng kanyang makasalanang kamay yung project namin na malapit na sanang matapos!
Wala kaming masyadong imikan ni Silver. Tanging oo at hindi lamang ang sinasagot ko sa kanya sa tuwing magtatanong siya sa akin. Hindi ko gustong makipag-usap dahil sa dahilang masama ang pakiramdam ko at wala ako sa mood. Dagdag narin yung kaguluhang nagaganap sa aking mumunting neurons dahil sa mga inspirational with love advice ni Pilak. I can't help myself but to consume my time thinking about it.
Aish! Why am I allowing my brain to flash those things in my mind? What is done is done. There is no need to repeat it all over and over until such point that my brain could not help but to shrink. I don't have to bug myself, right? Pero bakit ba napaka-OA ng utak ko ngayon!?
Ugh! Nakakahiya talaga kay Pilak! Double kill ako sa kanya. Una nalaman niya ng walang kahirap-hirap na GUSTO ( capslock para kay Silver because according to him it's not good to conclude anything without further calculations ) ko si Luke at pangalawa napahiya ako dahil sa aking pagkakamaling sabihin na mahal ko ang isang tao dahil sa looks and what so ever. Ewan ko lang ba sa utak ko at naisipan kong gawing magkapareho ang like at love.
Sheez! I must command myself to quit thinking about it dahil pakiramdam ko mas lalong sumasakit ang ulo ko ( dagdag pa itong papansin kong lagnat! ).
Naalis lang ako sa pakikipag-usap sa sarili nang mapansin kong nasa loob na pala kami sa clinic ( grabeng pag-iisip yun, I almost forgot my present situation ). Inilapag na ako ni Silver doon sa single bed na nakapwesto malapit sa bintana.
"Oh? Napano yan? Gabi na ah, bakit nandito parin kayo sa campus?" tanong nung nurse habang papalapit ito sa amin. This is what I hated when I am here. Parang paghihinalaan ka muna ng nurse kung may sakit ka ba o hindi. However hindi ko naman masisisi ang nurse dahil alam kong maraming beses na siyang naging audience ng mga actingan portion ng mga estudyanteng tamad pumasok sa klase.
"Gumagawa po kami ng project then sinumpong po siya ng lagnat." sagot ni Silver sa kanya.
"Oh, okay." tugon nito bago ako sinimulang suriin. Kinunan ako ng blood pressure, inalam yung temperatura ko tsaka tinanong kung may mga gamot ba na allergy ako. Matapos niyang hingan ako ng impormasyon ay binigyan na niya ako ng kapirasong gamot at isang basong tubig pagkatapos ay inutusan akong inumin agad yung gamot na ibinigay niya.
"Magpahinga ka muna dito sandali if ever na hindi mo pa kayang maglakad. Kung hanggang bukas ay hindi pa rin bumababa ang temperatura mo, uminom ka ulit ng gamot after breakfast." payo ng nurse sa akin. Kumuha siya ng gamot mula doon sa medicine box at ibinigay sa akin. Katulad rin ito sa gamot na pina-inom niya sa akin kanina.
"Opo, salamat." sagot ko. Inilagay ko agad sa aking bulsa yung gamot para hindi ito mawala.
"Axel? Alam ba ng mom mo na nandito ka pa sa school?" napatingin agad ako kay Silver nang marinig ko ang tanong na iyon.
The nurse just called him Axel so magkakilala sila?
"Hindi, hindi ko kasi dala yung cellphone ko. I placed it inside my bag, nandun sa ecstasy office." sagot ni Silver sa kanya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Fiksi RemajaA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
