******Chapter 42 - Crybaby My Love******
[ Naomi's POV ]
Kabangkaba ako habang tinatahak ang hallway na tinahak ni Silver kanina. Natatakot akong salubungin yung galit niya, paano kapag hindi yun makapagpigil? Baka naman sapakin ako nun, instant blackeye ang aanihin ko!
Mas binilisan ko pa ang paglalakad nang mapansin kong nawawala na si Silver sa paligid. Asan na ba yun? Sobrang badtrip na ata yun. Naniniwala na talaga ako na masamang badtripin ang taong nanahimik. Masama silang magalit, baka naman sa isip ni Silver eh matagal na akong inilibing! Chinop-chop na niya ako. Okay mukhang exagge ata yun pero malay ko dun, hindi ko alam ang takbo ng utak niya.
Paglingon ko sa kabilang bahagi ng hallway ay nakita kong naglalakad nga doon si Silver, okay nakita ko na ang target ko. Si Mr. kagagaling lang sa gulo slash binadtrip ni Naomi tangengot slash Mr. nag walkout.
Tinahak ko na yung hallway kung saan ko siya nakita at napansin kong papunta siya sa library. Aano siya sa library? Gaano ba kalakas ang pag-alog ng utak niya at naging clinic ang paningin niya sa library? Lumabo kaya ang paningin niya?
Huminto muna ako sa paglalakad nang makita ko siyang nasa harap na ng pinto ng library, pinihit na niya yung doorknob at pumasok sa loob.
Nakatulala parin ako sa pinto ng library. Papasok ba ako sa loob? Parang natatakot ako ...
Hindi, kailangan ko talagang humingi ng sorry kay Silver. Masyadong masakit yung pinagsasabi ko sa kanya kanina. Hayy nako, sa susunod magdadala na talaga ako ng masking tape para may ipantapal ako sa padalos-dalos kong bibig!
Naglakad na ako papalapit sa pinto ng library at lakas loob na hinawakan ang doorknob. Bumuntong hininga muna ako bago pinihit yung doorknob. Nang mabuksan ko na yung pinto ay sumilip muna ako upang makita kung sinu-sino ang nasa loob ngunit sobrang tahimik sa loob. Wala ni isang tao, wala rin yung librarian. Okay wala akong pake sa kanila, isa lang ang hinahanap ko ngayon. Asan na ba si Silver?
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng library at hinanap si Silver. Himala ata at walang librarian. Nasa cafeteria siguro yun bumili ng canned soda, lakas maka-soda ni ateng librarian eh. Madalas ko kasing napapansin na may canned soda sa tabi niya. Nako! vulnerable siyang magkaroon ng U.T.I., tsk!
Teka lang ano ba ang pakialam ko sa kalusugan niya? Hindi iyon ang dahilan ng pagpunta ko dito. Tumahimik ka nga utak at magsimula ka nalang hanapin ang galit na nilalang na iyon.
"Silver?" tawag ko ngunit hindi man lang siya nag-atubiling sumagot.
Naglakad-lakad na ako ngunit wala parin akong makitang pilak. Napunta na ako malapit sa computer section at nakita ko ngang natutulog si Silver dun sa isang sulok. Nakaupo siya sa sahig malapit sa bintana. Walang ingay akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Siyempre may halong dasal ang ginawa ko na sana hindi ko siya mabulabog o di kaya ay sana hindi ako makagawa ng galaw na ikakainit ng dugo niya.
"Silver?" mahina kong tawag.
"Silver, galit ka ba?" tanong ko ngunit hindi parin siya natinag sa pagtulog. Ewan ko lang kung tulog ba talaga ito o sadyang nagtutulog-tulugan lang para di ako makausap. Hays, ang hirap rin suyuin ng lalaking to ha? Na s-stress ako.
"Silver," I tried to poke his arm gently ( siyempre, ayaw kong gantihan niya ako. Dapat kong tandaan na malaki ang chance na hindi siya makakapagpigil since super badtrip ata siya ngayong araw .. at ang tangang si ako, dinagdagan pa! loka talaga ) at napalunok ako nang makita kong inangat nito ang ulo niya mula sa paglapat nito sa kanyang tuhod kasi nga natutulog ito. Okay, ginambala ko ang pagtulog niya. Jusme naman, forte ko ata ngayon ang manira ng araw.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
