Chapter 33 - Naomi in the Wonderland

233 6 0
                                    

******Chapter 33 - Naomi in the Wonderland******




[ A/N: Guys this note will be a reminder, I know na nagtataka kayo kung bakit nag-iba ang title ng kwento. I changed the 'Payment For Her Debt' to 'No Chaos No Love' kasi may ibang story na na may pagkakasingtulad ng title, para wala nang malito binago ko nalang yung title ng story na'to. But don't cha worry guys, no changes will happen sa flow ng story tanging title lang yung binago ko :) So guys I hope you will still support my story, I do appreciate people who read my works. Thank you! ^^ ... -Miss Polar Light <3 ]

[ Naomi's POV ]

"Hoy Luke? sabi mo may bibilhin tayo? eh ba't parang nagsasaya lang ata tayo dito?" tanong ko habang minamartilyo namin yung mga daga na lumalabas sa butas. Alam niyo yung larong may hawak kang laruang martilyo tapos dapat matamaan mo yung daga na lalabas sa butas? Basta yun, di ko alam kung ano ang tawag nun hehehe.

#thewriterisgettingdumb

Nandito kami sa loob ng amusement zone, nagliliwaliw. Ewan ko lang sa lalaking ito, kanina ko pa kinukulit na bilhin na namin yung bibilhin niya tapos sasagutin lang ako na mamaya na raw.

"Basta mamaya na yun." sabi niya habang seryosong-seryoso sa paglalaro. Oh kitams? sabi ko na sa inyo eh, mamaya lang yung isasagot niya.

"Eh mag-gagabi na ah? baka gabihin tayo niyan." sabi ko habang busy rin sa paglalaro. Alam niyo yung feeling na kanina pa ako na bubuwisit dito? Di ko kasi matamaan yung daga! Pero itong si Luke kanina pa nakakapoints!

Hmp! ang daya talaga. Kasabwat ata ni Luke itong mga daga eh, psh.

"Ha? Gabi na pala? Di ko namalayan yung oras ah." tumigil siya sa paglalaro pagkatapos ay tumingin wrist watch niya. Kanina pa kasi kami nagpapakabaliw dito sa amusement zone. Kung ano-ano lang yung sinusubukan namin pero ang masaya ay marami na kaming naipon na ticket, ang galing kaya ni Luke! Tambay ata ito sa amusement park at time zone hahaha. Halos 90% ng ticket namin eh siya ang may-ari.

Sige, ako na ang walang naitulong sa pagpapadami ng ticket.

#nagdamdam

#feelinguseless

"Hoy! hoy! Luke! matatalo na ata ako! tulungan mo ako bilis!" taranta kong sabi. Langya! tumigil kasi siya sa paglalaro. Eh kanina pa ako kulelat dito eh!

----- GAME OVER -------

"Aish! Luke naman eh!" nanlumo ako nang makita ko yung nakalagay sa screen. Pambihira, hindi makatarungan ang larong ito! Namimili ng player!

"Hahaha! ako lang ata yung magaling." inirapan ko siya. Ang yabang talaga, hmp! Ikaw na ang magaling, Luke. Ikaw na ang hari ng amusement park na ito. Dapat ka nang parangalan.

"Che! ang galing ko kaya dun sa ibang laro!" pagyayabang ko. May isang laro kaya akong gusto dito. Ang galing ko kasi dun tsaka alam kong hindi iyon biased sa mga naglalaro.

.

.

.

.

.

Hindi ka lang talaga magaling, Naomi. Aminin mo nalang.

#sadlife

"Weh? alin dun? dun ba sa butterfly catcher? hahaha!" tumawa ito ng malakas. Pati ibang tao nawindang sa tawa niya. Leche, ako nalang ang mahihiya para sa iyo, Luke. Pero nakakainis lang dahil hindi man lang na wa poise kahit ang lakas tumawa. Ang cute niya paring tingnan!

No Chaos No Love ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon