******Chapter 2 - Silver Axel Lee*******
[ NOTE: Partially Edited ]
Ayos, ang ganda ng braha ko. Tiyak na ang panalo ko.
Ibinagsak ko na yung 10 of spades kong braha at alam kong matatalo ko na yung ugok kaso ikinapagtataka ko ang nangyari.
"Yeesss! Woohoo! Talo ka Silver!" masaya nitong kantchaw sa akin matapos nitong ibagsak sa mesa yung king of spades.
Fvck? How come? Marami pa yung mga braha niya kanina at bakit yung isa nalang ang natira!? Sh!t! This can't be! Dinadaya ako ng mga ugok na to! Maganda yung braha ko kanina at dapat matatalo ko na siya!
"Hoy! Marami pa yung braha mo kanina ah! Dinadaya mo ba ako ha!?" inis kong singhal sabay higit ko dun sa kwelyo ni Rio.
I am now getting angry. They must play fair!
"Chill ka lang bro," takot nitong sabi habang sinusubukang pakalmahin ako.
"I saw 5 cards a while ago, saan na napunta ang mga yun?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Hoy dalawang ugok! Magsitigil nga kayo. Inupuan ni Ven yung natitirang braha ni Rio." sabat ni Nathan.
Inalis ko na yung pagkwelyo ko kay Rio at ngayon ay hinarap si Ven. Hindi pa ako nakakapagsalita ay nakita ko ang paglunok nito.
They all knew how scary I am when I'm angry as hell.
"Hoy! Anong inupuan ko!? Wala noh!" sigaw ni Ven doon sa sinabi ni Nathan. Hindi ako naniwala sa kanya dahil likas itong sinungaling kaya sinipa ko ito. Nahulog ito mula sofa at nakita ko nga ang apat na braha.
"Arayy! Ba't mo ba ako sinipa ha!?" hindi ko pinansin ang reklamo ng baliw. Nakasentro ang paningin ko doon sa inuupuan niya kanina.
Talagang ang lakas ng loob nila na lokohin ako sa loob ng pamamahay ko.
"Ano yan!? Dinadaya niyo ako ha!" kwenelyuhan ko ulit si Rio at aaksyunan ko sana ng suntok buti nalang at napigilan ko ang sarili ko.
Jeez, why am I having this bad temper? Kamakailan na akong hindi nagkakaganito at hindi ko alam kung bakit gusto kong mainis sa araw na ito. I think there is something bad will happen that could trigger my anger to hit my limit.
"Silver naman! Birthday ko ngayon! Di mo lang ba ako pagbibigyan!?"
pagmamakaawa ni Rio sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili ko.
"Tchh!" inalis ko ang pagkakwelyo kay Rio pagkatapos ay umupo nalang sa kayumangging sofa.
"Oh? What's the dare?"
I asked. Ito yung consequence namin sa laro. Kahit alam kong dinaya ako ng mga sira-ulo ay tinanggap ko nalang yung consequence nang matapos na yung laro dahil inaantok na ako. I badly need to have some rest.
Umupo na ng maayos sina Ven at Rio sa katapat na sofa. Nasa tabi ko naka-upo si Nathan at yung dalawang ulol naman ang magkatabi.
Tinaas ni Ven ang kamay niya.
Sinenyasan ko ito na magsalita.
"Magdala ka ng maraming babae!"
nanigas ang bagang ko sa naging utos nito para sa akin. Nirolyo naming tatlo ang magazine na nasa ilalim ng table pagkatapos ay pinagpapalo si Ven.
"Ulol ka ba!? Gagawin mo pang bahay aliwan itong bahay ko! D*mn you!" singhal ko sa kanya habang pinagpapalo siya.
Daing na itong ng daing ngunit hindi parin namin tinigilan ang pagpalo sa ulo nitong puro mahahalay lang ang laman.
"Aray! Aray! Ano ba! Nagbibigay lang naman ako ng suggestion!"
paglalaban nito sa kanyang sarili.
Itinigil na namin ang pagpalo at bumalik na sa pagkaka-upo.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Novela JuvenilA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
