*******Chapter 4 - Am I Lucky Enough?*******
[ NOTE: Partially Edited ]
[Naomi's POV ]
Imbes na ugatin ako sa kakaisip dun sa sinabi ni Luke ay sumilip nalang ako dun sa glass na nasa door ng classroom. Ewan di ko alam ang tawag nun. Nalintikan nang Grade 12 student.
Wow .. grabe ang gulo.
May mga naghahabulan, may nagbabatuhan ng crumpled papers, may natutulog, may nag-gui-guitar, may sumasayaw, may nagma-make up na akala nila salon yung classroom.
Ngunit ang naka-agaw ng atensyon ko talaga ay yung dalawang bakla na rumarampa sa gitna at merong isang cute girl na kunwari ay camera women, at isang babaeng maganda na gumaganap atang host. Meron rin namang kunwari audience at pumalakpak naman sila habang rumarampa yung dalawang bakla, at may mga lalaki ring binabato sila ng mga crumpled papers kaya sinabunutan nung baklang may malaking ribbon sa ulo yung pasimuno nung pagbato nung papel.
Ngunit kapansinpansin yung isang lalaki na nasa pinakadulo ng classroom na natutulog. Siya lang kasi yung hindi nakikisabay sa kasiyahan sa classroom nila, hindi ata mahilig makipag-socialize.
Habang busyng busy ako sa pagsilip ay may biglang kumalabit sakin. 'Istorbo! Kitang may ginagawa tayo dito eh' sabi ko sa aking isipan. Di ko parin pinansin yung kumalabit at pinagpatuloy pa rin ang pagsilip. Kumalabit pa ito ulit, di ko na natiis kaya nilingon ko na yung taong kumalabit sa likod ko.
Magkasalubong yung kilay ko nung paglingon ko sa kanya ngunit bigla rin itong nawala nang malaman kung sino ang nasa likod ko.
"Ma'am! Hala, s-sorry po! Hindi ko po alam na ikaw pala yan, sorry po talaga." pagmamakaawa ko sa teacher na nasa harapan ko. Siya ata ang magiging teacher ko, ano ba yan! Nakakahiya naman sa kanya yung ginawa ko!
"Oh, it's okay. Ikaw ba yung bagong transferee?"
"Ah, opo ma'am."
kabado kong sagot. Paano nalang kung ipapahiya niya ako sa klase? Paano nalang kung terror teacher pala ito? Aish! Lagot na talaga!
"Oh! I'm Mrs. Rhea dela Cruz, I'm the adviser of this class. So pumasok na tayo para maipakilala na kita sa mga magiging classmates mo," sabi ni teacher ganda with flash ng pang beauty queen niyang smile. Grabe ang ganda niya, parang living barbie doll.
"Okay po, ma'am." sabay flash ko rin ng aking trying-hard-beauty-queen-smile. Atleast nag try, lol.
Pagbukas ni teacher ganda sa pinto ay bigla namang napatigil sa ginagawa ang mga estudyante. Mukha pa silang estatwa bago matauhan at tarantang nagsibalikan sa kanilang mga upuan.
"Pagpasensyahan mo na ang mga kaklase mo. Ganyan na talaga sila, wala na akong magagawa kahit maputol na yung ugat ko sa kaka-sigaw sa kanila." sabi ni teacher ganda sakin habang papunta kami sa platform.
"Okay class! Pay attention! I'm having an important announcement. I'm going to introduce to all of you your new classmate for this year,"
ani Mrs Rhea habang hinahataw yung stick sa ibabaw ng mesa.
Tiningnan ko muna ang buong klase at nakita ko parin yung isang lalaki na natutulog parin.
Geez, antukin.
"Okay, you may introduce yourself in the class,"
wika ng teacher kaya naman tumango ako. Humarap uli ako sa buong klase pagkatapos ay sinimulan na ang pagpapakilala ng sarili.
"Uhm, hi everyone! My name is Naomi Isabel Chua, 16. Just call me Naomi for short. Nice meeting you all! *bow* *insert smiley here*,"
pagpapakilala ko sa aking sarili. Kinakabahan na ako ngunit hindi ko parin ito pinapahalata.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
