******Chapter 53 - Milk******
[ Note: Partially Edited ]
[ Naomi's POV ]
Pagpasok ko ng sala ay agad sumalubong sa aking paningin ang little version ni Silver na naka-upo sa couch. He is busy playing with his toy car pulling it back in forth on the couch's surface.
Dahan dahan akong umupo doon sa katabing upuan malapit sa couch na inuupuan niya. Geez! The kid's aura isn't that good. Parang si Silver lang kasi. Siguro sagaran rin ito ng kasungitan.
Okay, I think it is much better if I'll start talking to this child. He'll get comfortable with me once na kakausapin ko na siya.
Should I start our conversation with a 'hi'?
"Ha--- aray!" agad akong napatingin sa kung sino mang nanakit sa akin. Talagang naguguluhan na ako. Ano bang nagawa kong masama kay Silver at nagagawa niya akong saktan ng ganito? Bakit? Ano bang dapat kong gawin para maging maganda na yung pakikitungo niya sa akin!? Pangit ba ako!? Kapalit-palit ba ako!?
Chos! La lang, kasing ganda ko talaga si Liza Soberano hahaha!
K.
Sobrang papansin talaga ng lalaking ito. Tama bang batuhin ako ng tsinelas!? Why not talk to me without harassing me? Eish!
"Remove your shoes. Hindi pwedeng magsuot ng sapatos dito sa loob." masungit niyang sabi at agad na tinuon ang paningin sa telebisyon. Hinubad niya yung tsinelas niya pagkatapos ay hiniga ang buong katawan sa sofa.
Okay! Sorry po talaga at nadumihan ko ang sahig niyo. Kahit kailan clean freak talaga. Paulanan ko kaya ito ng germs!?
"Oh sure! Salamat sa pagbato nitong tsinelas. Nararamdaman ko talaga ang essence ng salitang friendship. Sinagad mo pa nga eh, salamat talaga ha? Sorry talaga kasi nadumihan ko yung sahig niyo." matapos ang madamdamin kong pagsalita ay hindi man lang niya ako pinansin. Kahit response lang ng 'K' wala talaga. Geez! how I wish mabingi ka nalang ng tuluyan.
Instead of wasting my time talking to Silver ( na iniisnob lang ang kagandahan ko hahaha! ) let me try a chat with Eki.
Eki? Eka? Ano nga yun?
Ilang minuto akong nakatingin kay Eki bago ito tumingin sa akin. Wow, now I believe na talagang malakas ang bloodline nina Silver.
Kuhang kuha niya ang mata ni Silver. So cold and expressionless.
"Hi!" agad kong wika at nginitian siya ng bongga. Tiningnan niya lang ako na para bang sinasabihan niya ako ng 'feeling close, stranger like you won't deserve a even a single word from me'.
Tama pa nga ba ako. Contaminated rin ang batang ito ng Silver's Syndrome. Maryosep, dalawang halimaw ang makakasama ko ng tatlong araw. Okay na sana si Lemon eh! Ayaw ko na ng dagdag!
"Wow, that toy is cool." puri ko doon sa laruan niya but he didn't give a damn. Inisnob lang ako ng bata. Impakto, e kung ipag-untog ko kayo ni Silver nang malaman niyong magkasing-ugali kayo!?
"Hey baby Eki, can you be my friend?" tumigil ito sa paglaro at agad akong tiningnan na may iritableng mukha. Fudge! Silver na Silver talaga. Dahil sa mga nakikita ko sa kanya di ko tuloy maiwasang isipin na anak siguro ito ni Silver!
"Who's Eki?" tanong nito.
"Uhh, you?" sagot ko. Napakamot ito ng ulo bago inalis ang tingin sa akin. He continued playing with his toy and starting to ignore my presence.
"I'm not Eki and I don't want you to be my friend! Kuya Silver is my friend, only Kuya Silver!"
'Okay! Ayaw ko rin naman makipag-friend sayo eh! Magsama kayo ng impakto mong pinsan!' gusto ko sanang isigaw yan ng bongga sa kanya ngunit pinigilan ko nalang yung sarili ko. Mabait ako eh .. mabait ako .. mabait ako .. mabait na mabait.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
