Chapter 45 - Trapped

173 7 0
                                    

******Chapter 45 - Trapped ********


[ Note: Partially edited ]


Napabuntong hininga ako ng malalim. Hayy nako naman, feeling ko tuloy lumipas na ang isang dekada ngunit hindi parin tapos itong Pilak na to sa pagtali ng mga plastic cups para mabuo na talaga siya into a recycled chandelier. Nakaka-badtrip, alam niya raw kasi kaya siya na ang gagawa. Eh halos tumirik na yung mga mata namin ni Luke sa kakahintay na matapos siya! Ayun tuloy nakatulog nalang si Luke mylubs dun sa couch!

"Silver, ako nalang kaya?" pagbubuluntaryo ko habang bored na bored na yung pagmumukha na nakatingin sa kanya. Sino bang hindi makakaramdam ng boredom kapag ilang minuto ka nang nakatunganga?

"Alam ko kung paano ito. Thanks for the help but I dont need it." anya habang busy parin dun sa pagdugtong ng mga cups dun sa ginawa naming korteng bilog na magiging itaas na parte ng chandelier.

"Alam mo Silver magfa-5:45 na oh? Baka naman gusto mo nang umuwi? Nakatulog narin si Luke dahil sa sobrang galing mong magtali niyan." sarkastiko kong sabi sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng masama pagkatapos ay inirapan ako. Mukhang bakla lang yung asungot.

"Hayy nako, aabutin tayo ng bukang liwayway dito. Sana pala dinala ko nalang yung kumot ko di------" di ko na natapos yung sasabihin ko nang makita kong inis na inis niyang pinagpuputol yung tali. Bloody hell!? Ano ang kasalanan ng mga tali!?

"Hoy?! Baliw ka ba?! Ba't mo sinisira yang project natin?!" mabilis pa sa alas kwatro ang paglapit ko sa kanya at inagaw mula sa kanyang makasalanang kamay yung project namin. Langya! nagkanda-hiwalay-hiwalay na yung mga cups! Okay na sana yun eh! Arghhh! This guy is really annoying, honestly. Buti nalang at hindi niya sinaling sirain yung mga cups na pinaghirapan naming pulutin kahit saan, hugasan upang maging malinis, at pinturahan nang maging kaaya-aya sa paningin!

"B-bat mo ginawa yun?! Wag mong sabihing uulit na naman tayo!?" singhal ko sa kanya habang tinitingnan yung project namin ( na mukhang inapi-api yung itsura ). Haist! Badtrip talaga itong Pilak na'to! Kahit kailan di talaga siya nakakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas!

"I'm pissed! Curse that thing!" sabi niya at humilata sa sahig. Damuho ka! Sarap ipakain sa iyo itong mga plastic cups!

"Hayy nako naman Silver! Ako na nga lang gagawa nito! Bigyan mo nga ako ng tali." nang masakal kita gamit nun. Bwisit.

"Wala nang natirang tali, naubos na." kaswal niyang sagot. Na para bang hindi siya nag-alala sa magiging grade namin if wala kaming ma-submit na matinong recycled product!

"Ano?! Paano natin matatapos ito kung walang tali?! Bukas na po natin to ipapasa kamahalan!" naiinis kong wika. Kulang nalang magwala na ako dahil sa kabadtripan kong nararamdaman para kay Silver. Kainis talaga, di malayong aatakihin ako sa puso kapag kasama ko ang lalaking to eh! Mapapa-aga ata yung pagpanaw ko!

"May magagawa ba ako dun? Bumili ka nalang." matapos niyang sabihin iyon ay umupo na siya mula sa pagkakahiga sa sahig at kinuha yung wallet mula sa bulsa niya. Duh?! Rich kid eh, labas agad yung wallet kapag may kailangan. Life is really unfair!

"Wag na, close na ang convenience store." sagot ko.

"Okay," sabi niya at humiga ulit. Guys! Pigilan niyo akong sakalin ang lalaking ito! Wala ba siyang gagawin para maisalba itong kakawasak niya lang na project? Like WTH!? Okay lang sana kung siya lang yung mangangamote pero FYI, aside from him meron pa kami. Kaming dalawa ni Luke!

"Gosh Silver. Parang gusto ko tuloy ibaon sa pagmumukha mo itong gunting sa tabi ko." mahina kong sabi. Gusto ko sanang iparinig yun sa kanya kaso baka mapagtripan na naman niyang pagbuntungan ng inis yung mga plastic cups kaya I just lowered my voice.

No Chaos No Love ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon