Chapter 29 - Ang Pusong Martyr

260 7 0
                                    

********Chapter 29 - Ang Pusong Martyr********




[ Naomi's POV ]



"Nao? papasok ba si Mrs. Rhea mamaya? Hindi ba't aabsent siya kasi dadalawin niya yung lola niya sa ospital?" tanong ni Shane habang nilalagay yung mga gamit niya sa loob ng locker niya. Nagkibit-balikat ako bago sumagot.

"Ewan. Pero papasok yun, diba sabi niya kahapon may ibibigay siyang activities before siya aabsent ng 3 days?" nilagay ko yung PE uniform ko sa loob ng locker. Last subject namin every thursday is PE, so dismissal na namin after this class.

"Ah oo nga noh, bakit ko nakalimutan yun?"

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kanya.

"Isasauli ko lang kasi yung payong na pinahiram niya sa akin noong isang araw. Hanggang ngayon ay di ko pa pala nasasauli. Ilang araw na kaya itong nakatambak sa loob ng locker ko. Baka akalain pa ni ma'am na hindi ko na isasauli sa kanya." sabi niya bago napasandal sa locker.

"Puntahan nalang natin siya sa office niya mamaya, baka nandun siya." saad ko.

Inayos ko yung box sa loob ng locker ko. Dito ko nilalagay yung ibang mga gamit gaya ng notebook since ayaw kong maging magulo yung locker ko. Isasara ko na sana yung pinto ng locker nang may mapansin akong kakaiba doon. May napansin akong parte ng tela na nakalabas ng kaunti sa box. Kulay gray na tela.

Hinila ko yung tela mula sa box at nang makita ko na yung kabuuan ng tela ay napansin kong panyo pala ito. Lumaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong panyo iyon. Agad ko itong tinapon pabalik sa loob ng locker na para bang may kung anong virus ang nakadikit doon.

Pusang gala! Ang panyo ni Silver! nasa akin parin pala iyon?! Bakit ko nakalimtan isa-uli iyon?! Jusme naman Naomi, bakit?!

"Oh? bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" napatingin ako kay Shane nang sumulpot ito sa tabi ko.

"H-ha? W-wala." kinakabahan kong sagot. Geez, paano nalang kung malaman niyang kay Silver ang panyong iyon? Magkakadelubyo na naman yung utak ko sa kakaisip ng palusot?!

Nataranta ako nang makita ko siyang sumilip sa loob ng locker ko kaya agad kong humarang doon.

"Ano ba yung nasa loob at ganoon nalang yung reaksyon mo kanina?" anito. Pinipilit nitong sumilip sa loob ng locker ko kaya todo-todo naman ako sa pagharang.

"W-wala! Uh, m-may butiki kasi nakapasok sa loob hihihi." palusot ko habang nakaspread parin yung mga braso ko na wari bang pinoprotektahan ko yung locker ko.

Napatigil si Shane sa pangungulit. Nakapameywang na itong nakaharap sa akin.

"Napaka-lame ng palusot mo Nao. Ikaw ha, ano ba kasi yang nasa loob?" pamimilit niya. Lumapit uli ito sa akin pagkatapos ay hinihila ako paalis sa tapat ng locker ko.

"P-patay na yung butiki, Shane. Baka maselan ka sa mga ganoon kaya huwag mo nang tingnan." sabi ko habang pinipilit paring harangan yung locker. Napatigil ulit si Shane na ngayon ay binabato na ako ng mapanghinalang tingin.

Katakot! naaalala ko si Francheska sa mga tingin na iyan! Yung mapanghinalang tingin!

"Uy? Si Silver!" may halong kagalakan niyang wika.

Bumilog ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan na iyon. Dahan-dahan akong napatingin doon sa pintuan na tinuturo niya ngunit kumunot ang noo ko nang makita kong wala namang tao doon.

No Chaos No Love ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon