******Chapter 19 - The Spy*******
[ Silver's POV ]
Iniwan ko na si Nayomi at lumabas na ng rooftop. Langya lang, ba't ba ang init?
Binilisan ko ang pagbaba ko ng hagdan. Kinakabahan ako kay Naomi, takte talaga yung babaeng yun. Minsan talaga di ko maintihan ang takbo ng utak niya.
Habang pababa ako ay parang may nararamdaman akong may nagmamasid sa paligid. Tiningnan ko kung may tao ba sa paligid ngunit wala naman akong makita. Napa-iling nalang ako. Tsss, pagod lang siguro ako. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdan.
Nang makarating na ako ng hallway ay lumapit ako sa isang vending machine at naghulog dun sa money slot.
Canned cola ang kinuha ko. Matapos kong makuha yung canned cola ay agad kong itong binuksan at ininom.
Hinubad ko ang coat ko at naglakad na ulit sa hallway dala yung inumin ko.
"Tsk, antok lang siguro ito." wika ko at tinahak ang daan papuntang tambayan.
[ Naomi's POV ]
"Kainis! kainis! ba't ba ang boba ko?! dapat pala tinakasan ko nalang siya!" buong pagsisi ko habang nakahiga parin sa bench. Pinagsasabunot ko ang sarili ko due to frustration na nararamdaman ko. Kung may makakakita man sakin ngayon, iisipin nilang nababaliw na ako.
*bogsh!*
Bigla akong napatigil sa pagsasabunot ng sarili dahil sa kalabog na narinig ko. Napatingin ako sa pinto dahil pakiramdam ko ay doon nanggaling ang ingay. Nakasara na kasi ang pinto ng rooftop matapos lumabas si Silver kaya imposible namang may hangin na nagsara nito.
Unti-unti akong umupo habang nakatingin parin sa dako ng pintuan. Ano ba yun? May multo ba dito sa rooftop?! Jusmiyo! baka naman may nagpakamatay dito at nagambala namin ang katahimikan nila. Langya! kasali kaya si Silver sa pag-iingay!
"S-sino yan?!" wika ko. Mas lalo akong kinabahan nang wala akong natanggap na sagot.
Tanging ang malakas na ihip ng hangin lang waring sumagot sa akin.
Nako, baka naman minumulto na ako?! Bakit ba kasi dito napili ni Silver na mag-usap?!
"S-sino yan?! Hindi ako natatakot sayo!" matapang kuno kong panghahamon. Kahit sobrang takot na ako ay nakuha ko paring magtapang-tapangan. Baka naman si Pilak to at pinagtitripan lang ako?
"Silver?! Ikaw ba yan?! Pinagtitripan mo ba ako?! pagnalaman ko kung ikaw talaga yan itutulak talaga kita dito sa railings! Tandaan mo yan!" pananakot ko ngunit wala paring sumasagot.
Kung janitor man ang naglikha ng ingay na iyon ay dapat kanina pa siya sumagot sa akin.
Waaaaa! saan ba ako tatakbo?! Tatalon nalang ba ako? Mukhang nasa pintuan siya eh!
Nilakasan ko na ang loob ko na lumapit sa pinto. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa paglalakad.
May nakita akong mop doon sa gilid kaya kinuha ko iyon para may panlaban ako.
Nangininig na talaga ako sa takot dahil sa samot-saring kababalaghan na naglalaro sa aking isip. Nanginginig ang aking mga kamay na may hawak pang mop.
Talagang ihahampas ko sa kanya ng todo-todo tong mop na hawak ko pag may masama siyang gagawin sa akin!
Nang makarating na ako sa pinto ay dahan dahan ko itong binuksan.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Подростковая литератураA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.