******Chapter 58 - Plans******
[ Naomi's POV ]
"*sigh* Salamat at natapos rin" napahiga ako sa sofa matapos kong makitang malinis na yung buong sala. Hindi ko na ma imagine yung karanasan ko ngayon. Nag-upgrade ata ako .. from babysitter to instant yaya.
Great Naomi, kinarir mo na talaga .. sagad!
Dinukot ko mula sa aking bulsa yung cellphone ko na ilang araw na ring hindi na napapakealaman at nanganganib na magkaroon ng lumot. Agad akong napaupo at bumahid ang gulat sa aking mukha ( with matching sobrang dilat ng mata ) nang makita kong napakarami kong hindi na basang messages at may calls pa akong hindi nasagot!
Kinagat kagat ko ang aking mga kuko sa kamay habang tinitingnan kung sinu-sino ang mga nagtext at tumawag.
"Oh hindi .. ba't nakalimutan kong sabihan sina Chinchin tungkol dito!? Argghh!" nanlumo ako habang nakatingin sa mga text ni mama at kuya. Puro may lamang 'Nami? Asan ka na ba?' , 'Nami? Ba't di mo sinasagot yung tawag namin?' tsaka 'Nami, umuwi ka na. Ilang araw ka nang wala sa bahay' at marami pang iba. Talagang nakakawindang kasi hindi ko man lang agad silang nareplyan! At pati calls nila insant snob.
"Haisstt .. dapat sinabihan ko agad yung Chuchu Friends para ma agapan agad nila yung mga pag-aalala nila mama" napatingin ako sa picture frame na nasa ibabaw ng mesa na katapat ko. Sinamaan ko ito ng tingin. Hanep, pati sa picture may galit sa mundo yung pagmumukha. Sa tingin ko one year supply ng enervon yung dapat na maging gift para kay Silver kapag dumating na yung birthday niya. Para naman makaranas siya ng kasiyahan sa buhay noh!
Ano yun? Panata niya sa buhay ang pagiging cold? Psh ..
"Walanghiya ka Pilak. Kahit kailan wala kang araw na hindi ako sinabuyan ng kamalasan. Ngayon ako na naman ang mamomrobelma tungkol dito. So asan ka para tulungan ako? Wala! Kahit kailan wala kang maitutulong dito! Pambihira talaga .. aish" inirapan ko yung picture niya at bumalik uli ako sa paghalukay ng inbox ko. Natigil ako sa kakakamot ng ulo ko nang makita ko yung message ni Chinchin. Binuksan ko ito at agad na binasa.
----
From: Chuchu'DiyosangChinchin <3
Hey baby girl! Ano yung sabi ng mudra mo? You chika her daw na nagkasakit ako sa tsan tapos I made sugod sugod sa hospital! Ano yun? Make explain it to me ng mabuti! Yung cristal clear ang peg!
----
![](https://img.wattpad.com/cover/2559598-288-k917312.jpg)
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Novela JuvenilA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.