Chapter 43 - Groupings

203 8 4
                                    

*****Chapter 43 - Groupings******



NOTE: Hi friends! this story is undergoing editing so I will remind you na makakatagpo talaga kayo ng ibang chapter na maraming errors since from Chapter 1 to Chapter 43 pa lang yung na-edit ko. Hindi ko pa nga masabing okay na talaga yung pagka-edit ko ng mga edited chapters eh hahaha :P pero I assure you that those chapter na may status na 'partially edited' is more good to read na. If walang ganun then it means na ini-edit ko pa :) Okay basa na ~



Chapter's Current Status: partially edited.



[ Naomi's POV ]

"Okay class, we will be having an activity and it requires all of you to have a partner. You may choose your partner now. Kaingan pagbalik ko may partner na kayong lahat." sabi ni Mrs. Rhea at lumabas. Naalis lang ako mula sa malalim na pagkatulala nang may kung sinong pumulupot sa braso ko at nalaman kong si Shane pala iyon. Buti nalang at nasa loob ako ng classroom dahil kung nasa daan pa kami, kanina pa ako napaparanoid at iisiping snatcher yung humawak sa akin.

"Naomi partner tayo!" masiglang sabi ni Shane. Nginitian ko siya bago ako sumagot.

"Sige ba, hihihi." sagot ko pagkatapos ay parang mga batang nag-high five. Iba talaga yung feeling kapag kasama mo yung taong kasing range mo ng kalokohan sa buhay hahaha!

Yung ibang Chuchus eh may mga partner na rin as well as my classmates. Nagmistulang palengke ang silid dahil sa tindi ng bunganga ng ilan ( na mukhang hindi sinadyang makalunok ng microphone ). Ang iingay kasi nila at hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang magsigawan eh ang lapit lang naman nila. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng activity ang pinaplano ni Mrs. Rhea sa amin.

SA HINDI SINASADYA ( capslock pa talaga yan ha para malinaw ) ay napatingin ako kay Silver ( hindi ko po talaga sinasadyang mapatingin sa kanya, kasalanan niya kase kung bakit nasa malapit siya sa bintana naka-upo eh may tiningnan lang ako sa labas! teka lang bakit ang defensive ng dating!? leche ) na hindi man lang nag-atubiling mag hanap ng partner. Ano bang hinahanap niya? May kusang lalapit sa kanya? Ang gwapo niya naman kung ganun. Aalis na sana ako mula sa aking upuan upang tumabi sa upuan ni Shane ( which is my partner ) ngunit napigilan ako nang may marinig akong boses. Kaya imbes na tatayo ay napa-tingin nalang ako doon sa nagsalita.

"Hi Silver! M-may partner ka na?" tanong nito with matching napaka-inosenteng smile. Si Venus pala yung babae, balita ko isa ito sa mga admirers KUNO ni Silver. Hindi ko talaga magawang isipin kung saan nila nahuhugot ang lakas na makipag-usap sa crush nila na may alam na crush niya ito. Of course naka-preserve pa rin sa aking dugo ang Maria Clara etiquette kaya may pagkamahiyain parin ako when it comes to that matter ( charot! ).

Lumipas ang ilang segundo ng paghihintay sa kasagutan ni Silver. Ngunit ikinalaki nalang ng mga mata ko nang mapansin kong nanatiling lang na nakatikom ang bibig ni Silver na para bang wala siyang narinig. Ako tuloy ang nahihiya para kay Venus na walang kibo pa rin sa kinatatayuan niya. WHAT THE!? Silver wag ka ngang engot! may kumakausap sa iyo kaya sagutin mo!

Nakita ko ang bahagyang pagkalungkot ni Venus habang naghihintay ng sagot. Napatingin ulit ako kay Silver na busy lang sa kakasulat ng kung ano-ano sa notebook niya. Ang awkward lang ha. Nasaksihan ko pa talaga ang isa sa embarassing moment ni Venus towards her crush. Kaya to cut the awkward atmosphere I decided to remind Silver na linisan ang tenga niya .. joke! hahaha! to remind Silver na may panauhin na kumakausap sa kanya na nangangailangan ng kasagutan.

No Chaos No Love ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon