*********Chapter 22 - Questions Left Unanswered*********
[ Naomi's POV ]
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin yung eksena namin ni Luke kahapon. Yung mga weirdong pinagsasabi niya. The way he acts towards me nung pauwi na kami.
Nag-alok siya na ihahatid niya raw ako pauwi pero hindi na ako pumayag. Ano na naman ang sasabihin nila mama? ni bruha? lalong lalo na kay kuya Calvin? Na hinatid na naman ako pauwi ng boyfriend ko. Eh lahat nalang ata ng mga lalaking kasama ko papunta sa bahay namin binibigyan agad nila ng malisya, nakakaloka. Kaya hanggang waiting shed nalang ako nagpahatid para iwas hot seat sa bahay.
Pero di parin siya nakuntento at sinamahan pa niya akong maghintay ng jeep. Okay na rin yun at sinamahan niya ako. Hays, si kuya Calvin lang yung gumagawa sakin ng ganito. Pangalawa na si Luke. Ang babait talaga ng mga lalaki sa buhay ko hahaha.
Napatingin ako sa gawi niya nang mag ring yung cp niya kaya sinagot niya ito.
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na niyang kausapin yung tumawag. Kinausap niya ako na kailangan niyang umalis kasi may kailangan yung mom niya sa kanya. Kaya ayun sinabi kong umuwi na siya pero di parin siya umalis sa waiting shed na kinatatayuan namin.
Ano ba yan .. napapagod na ako sa kakasalaysay ng nangyari, flashback na nga!
|Flashback|
"Sige na umuwi ka na. Baka magalit na yung mama mo sayo, sige ka. Di ka na makakapasok ng bahay niyo." biro ko.
"Paano ka?" tanong niya.
"Kaya ko naman maghintay ng mag-isa. Sanay na akong maghintay ng matagalan ng mga jeep dito kaya umuwi ka na. Promise okay lang ako, Luke." sagot ko. Nginitian ko siya upang ipakita na talagang okay lang na mauna na siyang umuwi.
"But I can't. Baka kung ano na namang mangyari sayo. I can't bear myself if something bad happens to you again." sabi niya at nagsalita uli.
"Wait, tatawagan ko si manong Crispin. Ipapahatid nalang kita sa bahay niyo, okay?" sabi niya at nilabas yung cellphone niya at nagdial. Nataranta ako nang sabihin niya iyon. Jusme! makakaabala lang ako!
"Nako! wag na, nakaka-abala pa ako sa inyo. May dadaan na namang jeep dito eh." pagtatanggi ko.
"No. Can't you see wala pang jeep na dumadaan?" sabi niya. Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa pagpipilit niya. Sige na nga lang, ika nga bawal tanggihan ang grasya hahaha.
Kaya ayun tinawagan na niya yung driver nila at pagkalipas ng ilang minuto ay may dumating nang kotse. Bumukas yung bintana ng kotse at sumilip yung driver nila para makita kami.
"Sir, pinapahatid ka na ng mama mo sa akin. Tara na po." sabi nung driver nila.
"Tumawag na po ako kay manong Ben, sa kanya na po ako magpapahatid. Manong Crispin, paki hatid nalang po kay Naomi sa kanila. Aquarius Subdivision po, kalapit lang po yan sa subdivision ni Silver." sabi niya dun sa driver nila.
"Okay po, sir." sagot nung driver.
"Thanks po. Nomi hop-in, ipapahatid kita sa inyo. Sorry at hindi kita masasamahan, bawi nalang ako sa susunod." sabi niya. Ginulo niya yung buhok pagkatapos ay inakbayan ako papalapit sa kotse.
Gosh? I can't believe this .. nag-aalala ba siya para sakin? di ko maiwasang kiligin sa ginawa niya.
"Sige na nga, mapilit ka e! hahaha." ani ko. Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse pero naunahan ako ni Luke na bumukas nung pinto.
BINABASA MO ANG
No Chaos No Love ( Completed )
Teen FictionA chaos where love still prevail <3 "No Chaos No Love" (Completed) BOOK 2: Broken Heartstrings Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light Copyright © 2012 by Sugar_Cutiewink97. All Rights Reserved.
