Chapter 34 - Secret Unfold

240 6 0
                                        

******Chapter 34 - Secret Unfold******



[ Naomi's POV ]

Nasa kotse na kami ni Luke, sabi niya kasi i-hahatid niya raw ako. Mas mabuti nga iyon at baka wala na akong makitang sasakyan pauwi.

"Ah, Luke, salamat pala dito sa teddy bear. Tsaka dun sa amusement zone, tsaka dun narin sa treat mo hehe." sabi ko. He smiled at me then patted my head. Hindi naman ako mukhang aso para ganituhin ni Luke. Napapansin kong naging habit na niya itong gawin sa akin.

"No problem." sabi niya then he pinched my nose .. again. Ewan ko nalang kung pang ilang beses na niya ito ginagawa at ewan ko lang kung di pa tumangos yung ilong ko gaya ng ilong niya.

"Ano bang ipapangalan mo sa teddy bear na iyan?" tanong niya. Napatingin ako sa teddy bear na nasa kandungan ko.

"Hmm, ano nga ba?" napatingin ako sa daan habang nag-iisip ng magandang pangalan.

Pinky? Ermm, parang ang baduy.

Teddy? Hmm, so common.

"Ah! alam ko na, how about Lomi?" napanguso ako nang narinig ko iyon. Kainis, ba't Lomi? naalala ko tuloy si Rio. Lomi ang tawag niya sa akin! Pambihira talaga.

Napatingin ako kay Luke. Nakatingin lang ito sa daan.

"Ba't naman Lomi? hindi naman siya mukhang noodles ah?" sabi ko.

"Hahaha! no, I got that combination from our names. Luke and Naomi, Lomi right?" sabi niya bago ngumiti. Oo nga noh?

"Ahh .. akala ko inaasar mo na naman ako dahil sa pangalan ko."

"Hahaha of course not. Gusto mo ba yung Lomi? papalitan nalang natin kung di mo gusto." sabi niya.

Pakiramdam ko tuloy mukha kaming mag-asawang nag-iisip sa ipapangalan ng anak nila.

Aish! Anong sumapi ba sa akin at pumasok sa isipan ko iyon?!

*iling* *iling*

"No, okay yung Lomi. Cute naman eh kasing cute niya hehehe." sabi ko.

"Good, I find it cute rin para sa kanya. Anyway, we're here." huminto na ang kotse sa harap ng bahay namin. Wow, ang sarap pala sa feeling ng may hahatid sa iyo pauwi.

"Thanks Luke! Uhm, good night." sabi ko at nginitian ko siya. Ngumiti rin ito sa akin.

"Good night. Ingatan mo pala yung anak natin." napanganga ako dun sa sinabi niya.

Anak

Anak na naman?! Mami-misinterpret ko na naman itong anak na sinasabi niya, tsk.

"Anong anak? may anak tayo?" pagtataka ko. Kailan pa kami nagkaroon ng anak? Tsaka .. aish! Mapapahiya na naman ako ngayon! Sana hindi nalang ako nagsalita! *face palm*

"Hahaha! No, what I mean yung teddy bear, si Lomi." Ahh yun naman pala. Kung ano-ano nalang yung pumapasok sa utak ko hahaha! Buti hindi ako nakapagreact ng hindi maganda, aasarin na naman ako ni Luke.

"Sabi ko nga, si Lomi." sabi ko.

Lumaki ang mga mata ko nang unti-unti siyang lumapit sakin kaya napapikit nalang ako. Hahalikan niya ba ako? magkakaroon na ba ako ng first kiss?!

HOY NAOMI! ANONG KALANDIAN BA YANG PA-PIKIT-PIKIT MO?! DUMILAT KA NGA AT IWASAN ANG HALIK NIYA!

Lumipas nalang ang ilang sigundo pero wala parin akong naramdaman na lumapat sa labi ko. Uhh, something is wrong. Anong nangyayari?

No Chaos No Love ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon